Posted/Published By:: www.STARtriga.blogspot.com
HINDI binigo ni Cristine Reyes ang mga barakong naghintay nang matagal sa ginanap na pagrampa ng 100 Sexiest Women ng FHM sa World Trade Center kamakalawa.
Sinabi niya, bago ginanap ang show, na ‘di niya bibiguin ang mga manonood. At rumampa nga siya nang naka-two- piece, kaya nagsigawan at nagsitayuan ang mga barakong nasa harapan para kunan ng pictures sa pamamagitan ng kanilang cellphones ang maganda at makinis na katawan ni Cristine.
Ang ibang nakasama sa 100 Sexiest Women ay hindi nagpakita ng kanilang kaseksihan nang magsirampa. Bagkus ay kung anu-anong dance number lang ang pinaggagawa samantalang ang inaasahan ng mga nagsipunta ay makitang rumarampa ang mga napasama sa 100 Sexiest Women ng FHM.
Going back sa 100 Sexiest Women ng FHM. Hindi sinipot nina Marian Rivera, Angel Locsin at Katrina Halili ang show na pangalawa, pangatlo at pang-apat na puwesto, respectively.
Iisipin tuloy na dinedma ng tatlo ang pagiging number one Sexiest Women ni Cristine.
Anyway kahit dinedma ng tatlong sikat na actress ang show ay naging masaya naman si Cristine dahil dumating ang mother ni Dennis Trillo.
Close pala ang utol ni Ara Mina sa mother ni Dennis. Kaya nang imbitahan ito ng dalaga na manood ng show ay hindi siya binigo.