THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, July 22, 2009

Christopher De Leon visited Santino "the miracle boy" at May Bukas Pa

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via ABS-CBN

Hindi talaga paaawat ang number one teleserye ng ABS-CBN na May Bukas Pa. Kagabi, muli itong nakakuha ng 42.7% sa TNS Nationwide Ratings. Kaya naman, tuloy-tuloy rin ang pagsisikap ng buong team ng May Bukas Pa upang lalo pang pagandahin ang istorya. Binisita ng ABS-CBN ang set ng May Bukas Pa sa Bacolor, Pampanga at nakausap namin ang latest na guest star ng teleserye ang multi-awarded actor na si Christopher De Leon.

Makikilala na ang karakter niya bilang isang doctor simula next week, habang may isang “delubyo” na hinaharap ang Barangay Bagong Pag-Asa. Tiyak na aabangan ng tao kung paano magtatagpo ang landas nila ni Santino.

Samantala, bilib na bilib ang veteran actor sa “Miracle Boy” na si Zaijan Jaranilla. “He is a wonderful kid…very intelligent,” kwento ni Christopher. “Pangalawang araw ko na ito (sa taping) at wala ako nakikitang tantrums from him.” Saksi ang actor sa pagiging professional ni Zaijan. Kusang inaaral umano ng bata ang script, sinasaulo at pagdating sa set ay take kung take. Kaya naman, puro papuri ang nasabi ni Christopher tungkol sa kanya.

Isang rebelasyon naman ng matanong si Christopher kung sino ang kanyang hinahangaan among the young actors today. “Piolo (Pascual), John Lloyd (Cruz), Jericho (Rosales)…at si Gerald (Anderson).” Mukhang impressed si Christopher kay Gerald, ang isa sa mga bida ng Tayong Dalawa, na lagi raw niyang pinapanood sa TV. “So far when I watch him, I see so much intensity, so much passion…he knows his flair…he knows how he use his eyes,” paglalahad ni Christopher.