BATAY SA NATATANDAAN kong natutunan ko sa Social Studies back in elementary, apat na lalawigan ang binubuo ng Panay island sa dakong silangan ng Kabisayaan. Isa na rito ang Iloilo.
Sa munting paraan ng pagbibigay-luho ko sa domestic traveling, sinadya kong puntahan sa kauna-unahang pagkakataon ang Iloilo, if only for one of its delectable delicacies na hindi ko naman natikman: ang KBL (karne, beans at langka) o kadyos kung tawagin.
A sucker for nightlife, hindi ko pinalampas ang dalawang gabing stay ko sa Jaro without having a good taste of it. Sa una kong gabi, napadpad ako sa Sheefdeck (sic) Bar, a cross between sosi and jologs hub that plays live reggae music every Saturday.
But more than the happy faces around the place built on bamboo, my visit led me to an astonishing discovery.
Isang bokalista ng banda ang umawit sa saliw ng Careless Whisper, but it was not sung in English. May pamagat na Aguy, Aguy, Aguy, Kanamit (which means “aray, aray, aray, masarap” in Tagalog), the Ilonggo version satirizes the sex video scandal na kinasasangkutan nina Katrina Halili at Hayden Kho.
Palibhasa hindi ko naiintindihan, maya’t maya ay nilalapitan ko ang bartender for the translation. Merong isang linya roon na ikinahagalpak ng tawa ng buong crowd, with the vocalist literally bringing the house down. Nang tanungin ko ang bartender what that line meant: maliit daw ang ari ni Hayden!
Opo, hanggang Iloilo, sikat na sikat ang Careless Whisper at si Hayden. Dyutay man! Higit pa sa sex exploits ni Hayden, mas nakilala nga raw siya dahil sa maliit niyang pagkalalaki!
WALANG DUDA NA isa sa mga pambato ng TV5 ang Midnight DJ ni Oyo Boy Sotto. Napapanood tuwing Sabado ng gabi there’s a “marriage” between heat and chills sa bawat episode nito kung saan kasama tayong inilalakbay ni Oyo Boy (who plays Samboy as the jock) sa kanyang cryptic adventures kung saan isa-isang tinutuklas ang misteryo sa likod ng mga makapanindig-balahib at nakakapanginig ng kalamnan na karanasan.
Dahil nga sa naitala nitong bonggang-bonggang ratings, TV5 has acceded to the viewers’ clamor na i-extend pa ito ng isang season (or equivalent to 13 weeks).
Naninindigan ang creative staff ng produksiyon na ang Midnight DJ has the right to fight.
NA-PREEMPT LAST SUNDAY ang All Star K! The One Million Videoke Challenge upang bigyang-daan ang replay ng Rosalinda. Dapat sana, mapapanood ang ASK na may temang showbiz look-alikes.
Teka, Rosalinda’s rerun must be telling us something. Hindi naman nag-brownout sa buong Pilipinas para hindi mapanood ang mga nauna nitong episode, ah? Kasi naman, huwag na nating eklayin ang viewers… this is another GMA’s flopchina teleserye, ‘no!