THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, July 17, 2009

Is Ahron Villena dating Maricar Reyes?

Published/Posted/Original/ By: www.STARtriga.blogspot.com
Copyrighted 2009

Kasama sa daily afternoon soap na Precious Hearts Romances presents Bud Brothers ang nagbabalik na si Ahron Villena at medyo matagal din itong nawala sa showbiz. Ang nakarating sa amin e tinapos na muna nito ang kanyang pag-aaral. Sa pagbabalik niya sa showbiz, may intriga kaming nasagap.

May source kaming nagsabi sa amin na madalas daw ngayon lumabas si Ahron Villena kasama ang kontrobersyal na aktres na si Maricar Reyes. Si Maricar naman ay baguhan sa mundo ng showbiz na nasangkot sa isang malaking eskandalo kasama ang dati nitong boyfriend na si Hayden Kho. Mula nang pumutok ang balitang ito, hindi narinig ng publiko ang kanyang side of the story at pinili na lang niyang manahimik. Pero ngayon, nakita raw sina Maricar at Ahron na nanuod ng sine noong Biyernes. Nakita raw ang dalawa sa Shangri-La mall sa EDSA. Iniintriga ngayon na nanliligaw daw si Ahron kay Maricar. Totoo ba ito? Ang nakarating sa amin na balita, nag-rereact na raw ang kampo ni Maricar sa pagkakalink kay Ahron.

Pero kung totoo nga ito, mukhang unti-unti nang nakaka-move on si Maricar. Siyempre, hindi naman biro ang kanyang kinasangkutang kontrobersya, no? Ang sinasabi nga ng iba e mag-migrate na lang daw siya sa ibang bansa para makalimutan ang lahat, pero mas pinili nitong manatili dito sa bansa, magpakatatag at ipagpatuloy ang pagpasok niya sa showbiz. Kakatapos lang ng kanyang guesting sa May Bukas Pa at ngayon nga ang ay siya pa ang bida sa Your Song presents Gaano Kita Kamahal kasama sina Sid Lucero at Jodi Sta. Maria. Suportado naman daw si Maricar ng buong staff and crew ng Your Song, pati na rin ng kanyang mga co-stars.

However, medyo nakakalito lang kasi may nakapagsabi rin sa amin na ang pinopormahan nitong si Ahron ay si Melissa Ricks. Kaya nagtatanong tuloy ang mga fans, sino ba talaga kuya? Kasi ang kuwento pa sa amin ng source, madalas daw ngayong pumorma itong si Ahron kay Melissa at nagpapadala pa daw ito ng flowers at chocolates sa dalaga. So, sino nga kaya ang pinopormahan ni Ahron - si Maricar o si Melissa?