THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, July 28, 2009

Maja Salvador at Jason Abalos magsasama sa bagong Proyekto ng ABS-CBN

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via ABS-CBN

Tuloy na tuloy na ang pagtatambal nina Maja Salvador at Jason Abalos sa isang malaking proyekto sa ABS-CBN. Ayon sa source ng www.ABS-CBN.com, inihahanda na ang isang daily drama series na pagsasamahan nina Maja at Jason.

Nakita ng ABS-CBN ang potensyal ng team up nina Maja at Jason.

"They are indeed the next generation of stars who have shown great potential," sabi ng source ng www.ABS-CBN.com.

Sa hanay ng mga kabataang artista ng ABS-CBN ngayon, sina Jason at Maja ang nagpakita ng malaking promise sa lalo na sa drama. "It's high time that they get their own."

Si Maja ay masasabing pinakamahusay sa hanay ng mga kasabayan niya. Si Jason naman, sa simula pa lang ay nagpakita na ng kahusayan. Sa katunayan, nakahilera na siya sa hanay ng mga kabataang artistang lalake na kinikilala ang kahusayan.

Sa ngayon, abala si Maja sa May Bukas Pa. Samantalang si Jason ay kasama sa toprating daytime drama na Kambal Sa Uma. Nagsimula na din siya ng Agimat: Ang Mga Alamat Ni Ramon Revilla Presents: Tiagong Akyat na pagbibidahan ni Gerald Anderson.

Sa kanilang bagong pagtatambalang proyekto sa ABS-CBN, makikipagsabayan sina Maja at Jason sa pinakamahuhusay na artista sa drama. Kaabang-abang ang malaking announcement na gagawin ng ABS-CBN sa pagsasamahang proyektong ito nina Maja at Jason.