Published/Posted By: www.STARtriga.blogspot.com
UMAMIN na si Marian Rivera na okey sa kanya kung siya ang napipisil na maging leading lady ni Manny Pacquiao sa bago nitong sitcom sa GMA7 na may tentative title na Show Me the Money!
Kung si Marian nga ito, totoo ang tsismis no-ong isang superstar ng Kapuso ang kapartner ni Manny sa bagong show nito.
Laging magagandang babae sa GMA7 ang ipina-partner ngayon kay Manny. Sa movie niya kay Direk Carlo Caparas, si Jackie Rice ang kanyang love interest. And now, si Marian naman ang sa sitcom.
Samantala, nalaman lang namin ang titulo ng bagong show niya nang binanggit ni Manny sa interview sa kanya ng Startalk nitong Saturday. Nasabi rin ni Manny na lalabas sa sitcom niya ang kanyang butihing ina, si Aling Dionisia. Tanging si Aling Dionisia lang ang pinayagan ni Manny na mag-artista sa dalawang babaing mahal niya sa buhay. Ang isang babae siyempre na ‘di niya pinayagan ay si Jinkee Pacquiao, ang kanyang butihing asawa.
Definitely, ayaw pag-artistahin ni Manny si Jinkee. Pag-aasikaso sa kanilang apat na anak daw kasi ang papel ng misis, pati na ang pagma-manage sa lumala-king kabuhayan nila.
Dahil sa bagong sitcom ni Manny, magiging busy ang Pambansang Kamao sa huling linggo ng Hulyo, ang pagsisi-mula ng taping ng show. Madalas ang taping dahil kailangang mag-prepare ng maraming episodes ang sitcom. Aalis kasi ng bansa si Manny para sa training niya sa nakatak-dang laban sa Oct. 17.
As of now, ang confirmed na kasama sa cast ng new sitcom ay sina Aling Dionisia, Onyok Velasco, Benjie Paras at Paolo Contis.