THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, July 15, 2009

Sandara Park performs "In or Out" in Taglish at Korean show

Published/Posted By: www.STARtriga.blogspot.com

Sa talk show na Yu Hui Yeol's Sketchbook sa Korea, nagperform para sa kanilang fans si Sandara Park o Dara at ang kanyang mga kasamahan sa 2NE1, isang sumisikat na Korean all-female singing group. Kinanta rin dito ng binansagang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas ang kanyang former hit novelty song na “In Or Out.”



Sa nasabing presentation, nagpakitang gilas ang apat na miyembro ng grupo na kinabibilangan din nina CL, Minzy at Bom. Nang pagkakataon na ni Sandara na kumanta ng solo, ang chorus ng “In Or Out” ang kinanta niya at kinagiliwan ng fans. Hindi man maintindihan ng mga Koreano ang salitang Filipino na kinanta ni Sandara, sumaliw sila sa palakpak dahil sa magandang beat ng kanta na for a time ay naging paborito rin dito sa bansa.

Ang nakakaaliw kasi dito, bukod sa nagiging pinakabago at pinakamainit na grupo ngayon sa Korea ang 2NE1, hindi pa rin nakakalimutan ni Sandara ang Pilipinas. Ayon pa sa isang kaibigan ni Sandara sa ABS-CBN.Com, bago naganap ang nasabing fans presentation ng 2NE1 ay nakipag-ugnayan si Sandara sa kanyang mga kaibigan sa ABS-CBN upang humingi ng minus one ng “In Or Out” at matagumpay namang nakuha ito courtesy of Star Records, ang kanyang former recording label.

Ini-launch na ang unang album ng 2NE1 last July 8 at busy si Sandara at ang kanyang grupo sa pagpro-promote ng kanilang pangalawang single na “I Don’t Care.”