THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, July 26, 2009

Willie Revillame Pinatay sa Text Messages, Twitter, Wikipedia, at Blog Site

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via Cristy Fermin

ANG wala sa panahong pagpatay ng mga taong walang magawa sa buhay sa mga klilalang pigura ay isang malinaw na barometro ng kasikatan. Marami nang naging biktima ng mga gawa-gawang balita tungkol sa pagkamatay, ang palaging suki ng mga walang kunsensiyang ‘yun ay ang Comedy King na si Dolphy.

Ilang taon nang pumapalaot ang balitang patay na ang Hari ng Komedya, kung totoo ‘yun mula nu’ng una ng mabiktima si Tito Dolphy, siguro’y ilampung taon na nating inaalala ang kanyang death anniversary.

Si Piolo Pascual ay may pagka-imported pa nga ang “pagkamatay,” nu’ng mag-show ang The Hunks sa ibang bansa ay saka sumingit ang kalokohan ng mga mamatay-tao sa kuwento, nasangkot daw sa isang malagim na car accident ang guwapong aktor sa New York at dead on the spot si Piolo.

Napakabilis na kumalat ang balita, maraming naniwala sa kuwento dahil totoong nag-show ang grupo sa Amerika, pero ang Star Magic ay mabilis kumilos sa paglalabas ng kanilang opisyal na pahayag.

Buhay na buhay si Piolo Pascual, walang aksidenteng naganap, abala ang sikat na aktor sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa Amerika para paligayahin ang ating mga kababayan.

Kailan lang ay halos sabay na lumutang ang text na patay na si dating Pangulong Cory Aquino at si Willie Revillame. ‘Yun ang umagang gumising kami na punumpuno ng text messages mula sa Canada at Amerika ang aming cellphone, naghihintay sila ng kumpirmasyon, totoo raw bang patay na ang dalawa?

Walang tanung-tanong naming sinagot ang mga mensahe, isang malaking kalokohan ang kumalat na kuwento, may direkta kaming linya kay Willie Revillame para kami pa ang matulog sa pansitan tungkol sa pangyayari kung totoo nga.

Tinanong namin ang isang taong malapit sa pamilya Aquino, galit na galit ito nang makausap namin, dahil habang humihingi nga naman ng pambansang panalangin ang mga nagmamahal kay Tita Cory ay meron namang mga walang kunsensiyang nagpakalat na patay na ang dating pangulo.

Tanong ng aming kaibigan, “Wala kayang kunsensiya ang mga taong ‘yun? Ini-imagine ko lang habang binubuo nila ang text message, hindi kaya sila kinukunsensiya?”

PINAGTAWANAN naman ni Willie Revillame ang kuwentong namatay siya sa heart attack.

Isinugod daw siya sa St. Luke’s Medical Center pero dead on arrival na siya, ayon kay Willie ay lalo pang hahaba ang kanyang buhay dahil sa mga ganu’ng kalokohan.

At para maging kumpleto ang pagiging-Willie Revillame niya sa pagtanggap ng kuwento ay ganito ang kanyang sabi, “Merong isang bahagi ng katawan ko na patay. Nabubuhay lang siya kapag may inililibing.”

Ha! Ha! Ha! Ha! Si Willie Revillame nga ang aming kausap, talagang ang sikat na TV host nga ang nagsasalita, dahil sa kanyang sutil na paliwanag.

Sabi ng isang loyalista ni Willie nu’ng tumawag sa amin, “Napakahayup ng mga taong ‘yun na nagpapakalat ng balitang patay na si Willie. Wala silang kunsensiya!

“Paano kung totoong may sakit sa puso ang nanay niya na nasa Tarlac, paano kung inatake ‘yung tao nu’ng makarating sa kanya ang balita? Napakawalanghiya ng mga taong ‘yun!” madiing pahayag ng isang kaibigan naming mula ulo hanggang paa ang malasakit sa host ng Wowowee.

Meron nang duda ang mga malalapit kay Willie Revillame kung sino ang naglalaan ng panahon para “patayin” siya. Ang taong ‘yun ang unang-unang pumasok sa isip ng mga kaibigan ng aktor-TV host nang lumaganap ang kuwento, ayaw na lang nilang banggitin pa ang pangalan ng taong ‘yun dahil sayang daw ang kanilang laway.

Kilalang-kilala rin namin kung sino ang taong ‘yun. Ang mga tao talaga na walang magawa sa buhay ay kung anu-ano ang nakakayang gawin.

“Huwag sana siyang gabaan,” komento ng isang malapit kay Willie Revillame.