THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Thursday, July 16, 2009

WOWOWEE- "Congratulations!", Tukaan Ikaw Na Nga, Wowowillie Support!

UPDATED 1/23/10:

Sa lahat ng Nakakakita nitong mga litrato na ito ngayon at sa susunod for the future dates.
we recommended that you visit our BLOG SITE sa susunod na araw at gawin ninyo itong bookmark website for everyday visit in short, bisitahin ninyo ang STARTRIGA everyday anytime anywhere:

www.Startriga.blogspot.com


Published/Posted By: www.STARtriga.blogspot.com via Pinoy Parazzi

“CONGRATULATIONS!” NAKAKABALIW ANG tono nu’ng girl na nagbibigay ng premyong pera sa contestants ng Wowowee. Aliw na aliw kami sa babaeng ito. Ibang-iba ang timbre ng boses.

Dahil sa kakaibang dating niya, feeling namin, she will make it. Basta bibigyan lang siya ng moral support ni Willie Revillame, promise.

ACTUALLY AND HONESTLY, HINDI naman kami nagsasawa kung araw-araw man naming naririnig na kinakanta ni Willie ang Ikaw Na Nga with matching nahihirapan pa siyang abutin ang taas ng tono ng chorus.

Kasi nga, in na in ang kanta. ‘Yung iba’y sawang-sawa na. Aba, malay n’yo, isa sa mga araw na ‘to, ma-feel din ni Papi na nagsasawa na kayo, eh, marunong namang makiramdam ‘yan, eh.

Wait n’yo na lang kung kelan titigil si Papi, ha? Bongga ‘ata ang clamor, eh.

MGA LOVERS LANG ba’t punumpuno ng pag-ibig sa minamahal sa buhay ang dapat “makinabang” ng awiting ‘yon ni Willie? Nalolokah kami, dahil everytime aawitin ‘to ni Willie, eh, ipinapakita sa kamera na me nagtutukaan, me naglalaplapan.

Juice ko, parang mga nasa sinehan lang at nanonood ng pelikula.

Akala naman nila, tetelagan kami, hehehe.

NAIINTINDIHAN NAMIN SI Freddie Aguilar sa kanyang pinupunto na “patriotism” o ang pagiging makabayan. Ang pagiging Pinoy ay dapat na ipagmalaki kung nasa ibang bansa ka.

At hindi natin siya mapipigil kung magbigay man siya ng opinyon kung paanong kahit ang ibang friends namin ay may opinyon kay Freddie Aguilar na, “Si Freddie naman, sumikat lang ang kantang Anak, akala mo, kung sino na! Gusto yata niyang mangyari, ‘yung gusto niya ang mangyari at hindi ‘yung paraan ng ibang Pinoy artists. Eh, kanya-kanyang diskarte ‘yan, eh. Makialam ba?”

Opinyon po ‘yan ng aming friends, ha?