THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Thursday, September 3, 2009

John Lloyd Cruz 'Gay Role' is the biggest of his career!

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com

Malaking bahagi na ng kanyang career para John Lloyd Cruz ang ginampanan niyang karakter bilang Noel sa pelikulang In My Life (showing na sa September 16 mula sa Star Cinema) . Sinabi ni Lloydie, dahil sa pelikulang ito, mas nakita niya ang pag-ibig at pagmamahal sa ibang perspective. Sa kanyang solo presscon, ipinaliwanag ni Lloydie sa ABS-CBN.com, "Dito kasi sa takbo ng pelikula, sa karakter ko (bilang Noel), naranasan ko kung paano tingnan sa ibang perspective, sa ibang pinangagalingan. As you can see, the character is gay. So, parang ganoon pala 'yun. Ang tingin ko, ang gay, parangmas passionate magmahal. Parang mas masarap silang magmahal." Kuwento pa ni Lloydie about his karakter na ika nga eh, mas nauunawaan na niya ngayon ang mga gays at kung paano sila magmahal dahil sa ginampanan niya sa pelikula.

John Lloyd admits, he still finds it hard to let go of his character. "Nu'ng patapos na kaming mag-shoot, sinabihan ko si Direk Olive (Lamasan), mami-miss ko si Noel. Ganoon ka-intense 'yung dating ng character niya". Even the movie itself is something new for Lloydie, having portrayed more of the boy-next-door and yuppie type of roles, challenging ang pagiging Noel kay John Lloyd. Siyempre, more than a love story, this is a mother's story. "Sa pelikulang ito, from the character's perspective, makikita niyo ang iba't ibang ugali ng nanay, 'yung maganda at hindi maganda. 'Yung mamahalin at kasusuklaman. So, ako ilang beses sa pelikulang ito, at sa lahat ng naging involved, ang daming pagkakataon na after doing a scene or after reading the script, isang sequence lang ha, not the whole scene, ganoon siya ka-powerful na pagkatapos mo siyang gawin eh, tinawagan ko ang mommy ko. Kinamusta ko siya. Ang mommy ko, alam niyang hindi ako tumatawag nang walang dahilan. Bubuhayin niya (damdamin) 'yun sa inyo. Matanda man kayo o bata."

Aminado rin si John Lloyd na bagama't hindi naman sila ganoon pa ka-confident na tatanggapin ng manonood nang bukas sa puso ang tema ng pelikula, he swears that this is one important film that anyone shouldn't miss. This is the first time Lloydie accepted a gay role at may lover pa siya at that. "Gusto ko rin kasing sumubok ng ibang bagay. Ayoko ng naka-box lang. Imagine at 26 (years old) now, nagampanan ko na ang maging lawyer, maging gay. 'Yun namang tema ng pelikula, yes, involved 'yung two major characters are gay pero ibang-iba ang diskarte at atake. Ibang iba ang treatment. So, sana bigyan nila ng chance. Sana ma-appreciate."

When asked kung ano pa ang nasa isip niya na gusto niyang character to portray to be able to enhance further his gift in acting? "Lagi kong sinasabi na ang pangarap ko lang naman ay makapag-portray ng pinakamaraming characters as possible. Kasi para sa akin, bawat character is a journey, bawat journey importante. Ang dami ko nang nagampanan. Ang dami kong nagampanang roles na iba't ibang identity, iba't ibang personalities. So, para sa akin, 'yun pa lang eh, masaya na ako. Saka gaya ng sabi ko, ayoko ng nakakulong." John Lloyd then talks about his dream role, 'yung matagal na niyang pangarap na gampanan sa TV man o sa pelikula. "Matagal ko nang pangarap 'to, 'yung ginawa ni Sean Penn sa I Am Sam, 'yung ganoon ka-beautiful, huh? 'Yung punung-puno ng mannerisms. Kasi marami ang gumawa nu'ng pero may pagka-stereo type, eh. Pero 'yung kay Sean Penn, bawat mannerisms niya, bawat detalye, talagang nakita mo si Sam. Gusto kong makagawa ng ganoon, in time."

In an interview with Direk Olive, she recalled the day when she and Ms. Charo Santos-Concio auditioned John Lloyd . That was for Star Circle some years ago. Direk Olive said,"My God, Charo, we have a star!" True enough, the boy they auditioned is now one of ABS-CBN's brightest stars and a Box-Office King at that.


Twitter Button - Red Theme