Ngunit kanina, isang flash report ang ipinahayag sa SNN kaugnay naman sa ginanap na meeting nito lamang sa pagitan ng dalawang panig na nasasangkot sa nasabing kontrobersiya. Malugod na ibinahagi ng host na si Boy Abunda ang kapapasok na balitang patungkol sa di umano'y naging pagkakasundo na ng dalawang panig. Bunsod na rin nito, bukas na di umano ulit sa mga sinehan ng SM ang pagpapalabas ng pinakaaabangang latest Star Cinema film na In My Life kung saan magmu-movie comeback ang Star of All Seasons na si Vilma Santos kasama ang anak nitong si Luis Manzano at ang Blockbuster Prince na si John Lloyd Cruz sa darating na September 16. |
