THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, January 4, 2010

Efren Peñaflorida gustong LIGAWAN si Angel Locsin! Angel said: "Friendship muna"

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com

Para sa 2010, ang pokus ni Angel Locsin ay ang kanyang trabaho. Sisimulan na ang taping nila for the fantaserye Kokey @ Ako kung saan makakasama niya si Vhong Navarro. Umaasa rin si Angel na matutuloy na ang pinaplanong pagsasama nila ni John Lloyd Cruz para sa isang teleserye.

Pagdating naman sa pag-ibig, hindi pa umano ready ang aktres. Kahit umano recently ay nagkakaroon muli sila ng komunikasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano, mas importante umano para kay Angel ang maayos ang kanilang pagkakaibigan. “Mas importante ang friendship sa ngayon. Hindi naman ako naghahanap na pumasok sa isang relasyon. Mas okay ‘yung relayon ko sa lahat ng tao,” paliwanag ni Angel. Aniya, may quota rin umano ang puso kapag umiibig. “Masarap main-love sa tamang tao, tamang panahon (at) ‘pag alam mong ibinigay ni God sa ‘yo,” dagdag ng aktres.

Inamin din niya na bumisita sa bahay nila ang CNN Hero of The Year na si Efren Peñaflorida na matagal na palang may pagtatangi sa dalaga pero diretsa umanong sinabi ni Angel na hindi pa siya ready para sa relationship. “Nakikita (ko si Efren) bilang hope at dahil magulo nga ang buhay ko dahil nasa showbiz ako, ayokong ‘yung maibibigay niya sa mga tao maapektuhan nang dahil sa akin, so sinabi ko sa kanya ‘yon. Tinanong ko siya kung ready ba siya na harapin ang mga ‘yon. Well ako sinabi ko friendship muna,” pagdedetalye ng aktres.

Napag-usapan din sa The Buzz kahapon ang pumanaw na dating boyfriend ni Angel, ang dating aktor na si Miko Sotto. Sinabi ng aktres na maraming taon man ang lumipas na nananatili sa kanyang puso ang dating kasintahan. “Hindi siya mawawala sa buhay ko. Parte siya ng buhay ko. Kahit six years ago na ‘yon, feeling mo napaka-fresh pa rin pero siyempre mas happy ka dahil alam mong mas happy siya kung saan siya ngayon kasi ano ba naman ang binatbat ng pagmamahalan namin kesa sa pagmamahal ni Lord, eh.”