THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, May 24, 2010

Carla Abellana, na-challenge sa kanyang bagong role

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via @igma.tv

starsMuling nagbabalik-tambalan sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann sa kanilang latest project, ang ‘Sinenovela Presents: Mars Ravelo’s Basahang Ginto’. Ano kaya ang pakiramdam ni Carla about working with Geoff again, at nakakaramdam kaya siya ng pressure sa kanyang pagganap bilang Orang? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio.


Very busy ngayon si Carla Abellana sa kanyang mga bagong projects. Aside from her lead role sa LoveBug ay siya rin ang gaganap bilang Orang sa remake ng 1950s classic para sa Sinenovela Presents, ang Mars Ravelo’s Basahang Ginto. Ano kaya ang pakiramdam ni Carla sa pagkakabigay sa kanya ng role na ito?

“It’s my most challenging role, it’s my most difficult role,” says Carla. “Hindi naman sa natatakot ako kay Direk Joel [Lamangan]. Para po sa akin, icoconvert ko yung kabang ‘yon sa paghusay sa pag-arte talaga.”

Nakikita naman niya bilang isang magandang pagkakataon ang first time niya na makatrabaho ang batikang direktor na si Joel Lamangan.

“Opportunity ito na makatrabaho ko si Direk Joel and alam kong kapag nalampasan ko siya, isa na akong mahusay na aktres. Kaya sabi ko, kakayanin ko ito para sa kanya, and of course, for myself,” shares Carla.

Samantala, natutuwa naman si Carla na makatrabahbng muli si Geoff Eigenmann , na huli niyang nakatrabaho sa The Last Prince. Patuloy pa rin kasing tinatangkilik ng mga fans ang kanilang tambalan.

“Dun kami natutuwa, dahil sa mga fans,” pagkukuwento ni Carla. “Lahat sila excited makita kami. Masaya sila na makikita kaming magkasama pa rin sa TV so very thankful naman kami sa network.”

Wala naman kayang sawa factor na kasama ngayong makakatrabaho niya ulit si Geoff, na ilang beses na rin niyang nakakatambal?

“So far wala pa naman. Natutuwa ako that I get to work with him again kasi kailangan ko ito e,” she reveals. “Kasi kapag something big na ganito na challenge sa akin, maganda na partner ko si Geoff kasi nakasanayan ko na siyang makatrabaho and tulungan talaga kaming dalawa. So in short, I need him at this point in my life.”

She adds, “He makes my work easy. Hindi ko dinedeny na I get my strength from Geoff. Kapag wala siya, ang hirap e. Kapag nandiyan siya, napapadali niya talaga yung trabaho.”

Ang naging past projects naman nina Carla at Geoff ay puro primetime shows na naging patok sa mga manonood. May pressure naman kaya para kay Carla na hatakin ang kanyang mga manonood ngayong ang kanyang drama ay ipapalabas sa hapon, at hindi parte ng primetime?

“Kung sino naman yung nasa primetime, dumaan na rin yan sa hapon e. At yung mga nasa hapon naman, umaabot na rin sa primetime. So there’s really not much difference,” answered Carla.

Ngunit sa kabila nito ay nag-iwan pa rin siya ng pangako. “Pagbubutihan namin ito. Talagang nandiyan yung pressure.”

Pag-usapan si Carla sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!

Get in touch with Carla. Just text CARLA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS (wallpaper), text GOMMS (space) CARLA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.