THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, June 13, 2010

EXCLUSIVE: Tricia Santos, Ginamit lang ng PBB Management???!!!

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com
Tricia Santos, the Athletic Muse of Davao, is the latest evictee of  the Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.

(Credits to the owner of this pic)

Matapos nang ilang linggo na pagkaligtas ni Tricia Santos sa mga Eviction Nights, ay natanggal na rin si Tricia. Ang rason? BBE Votes.

Hindi naman sa bias ako, one-sided ako, o dahil sa maka-Tricia ako, pero I think it's very unfair for the part of Tricia. Para bang ginamit lang siya ng PBB para kumita ng mas malaking pera.

Hindi naman natin maipagkakaila na si Tricia Santos lang ang naging 'center of attention' ng season na ito ng PBB. I dont think na magiging exciting ang PBB Teen Clash kung wala si Tricia. You can't blame me for saying so- walang kwenta ang ibang housemates. Alam mo yong salitang "wallflower"? parang ganun lang sila. Para bang inilagay lamang sila para magiging kompleto ang mga housemates. Magatatapos nalang ang PBB pero di parin sila nakikilala.

Tricia Santos, Ginamit ng PBB?

Sa tingin ko lang, OO - pinagkitaan lang siya. After malaman ng namumuno ng PBB na marami ang sumusuporta kay Tricia ay palaging sya ang laman ng PBB. Kahit ano na ang pinaggagawa ng PBB management kay Tricia- to the point na nasasaktan na ito ng sobra-sobra. Remember the Clashing Birthdays?, the Histrionic thing? and etc. At ngayon na malapit nang magtatapos ang PBB, itsapwera nalang ang dalaga. Parang naging purpose pa tuloy ng BBE ay para matanggal lang si Tricia. At ang pinakamasakit pa nito ay isang beses lang pala gagamitin ang BBE, para lang pala kay Tricia. Para di naging issue ito, sana sa simula palang ay may BBE votes na sana.. Parang ang daya kasi ehh!! Isang beses lang talagang ginamit.

Sa lahat ng mga housemates, kay Tricia lang siguro nakakuha ng napakaraming boto ang PBB, whether BB, BBS o BBE Votes man ito. Take a look at these.

(credits to the owner of these pics)

Well, these pictures made me think na ginamit lang talaga siya. And here's statement made by a fan of Tricia Santos.

    (credits to the owner)

Well, mabuti na rin siguro na lumabas na si Tricia, at least ngayon- malayo na siya sa mga taong naging ubod ng plastik sa kanya. Malayo na siya sa mga paninira nila. At least ngayon, kapiling na niya ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Di naman niya siguro kawalan ang pagkaEvict sa bahay ni kuya. Hindi man siya umabot sa Big Night, I know na malaki ang lugar niya sa Showbiz.

To the men behind PBB, sana sa susunod- they'll make a fair show. Wag yong 'gamitan'. I can't imagine kung ano na ang mangyayari sa two remaining weeks ng PBB. Ano? Tapos na ba ang Clash? Kasi para sa akin ha, si Tricia ang "Clash" sa season na toh.

To Tricia Santos, welcome back to the real world- the world of real people. Goodluck!

Sa lahat ng makakabasa nito, sana wag masyadong husgahan ang article na toh. May kanya-kanya po tayong opinyon. Thanks for reading.

Sa tingin ninyo? Ginamit nga lang ba ng PBB si Tricia Santos para mapag-usapan ang PBB Teen Clash of 2010?

**Credits to the owner of the pictures used in this article**