THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, June 20, 2010

Jovit Baldivino finally nakaduet na si Arnel Pineda sa The Buzz! LIVE!

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via ABS-CBN.com

Ikinagulat ni Jovit Baldivino, Pilipinas Got Talent Grand Winner, ang surprise ng The Buzz sa kanya kahapon dahil habang ini-interview siya ay biglang lumabas sa stage ang idolong si Arnel Pineda. Ito ang kanilang first encounter at parehong sinasabi sa kanilang mga previous interviews na gusto nilang maka-duet ang isa’t isa.

At natupad nga ang pagnanais ni Arnel na mapagbigyan si Jovit na dati ay pangarap lamang na maka-duet si Arnel. Maluha-luha pa ngang nagbigay ng mensahe si Jovit para kay Arnel. “Nagpapasalamat po ako sa kanya kasi po kung hindi dahil sa kanya, hindi ko po napasikat ‘yung kanta n’ya from Journey at wala din po ako dito,” ani Jovit. 

Binigyan naman ng payo ni Arnel ang binatilyo na sasabak pa lamang sa kanyang singing career. “Sana huwag kang magbisyo, first talaga (‘yon), sigarilyo, inom iwasan mo and you have to take care of your body kasi iisa lang ‘yan, once masira ‘yan and then that’s it. And then ‘yung opportunity na dumating sa ‘yo sana ingatan mo kasi buti ka pa at the age of 16 nakuha mo ‘yung fame mo. Ako it took me 25 years,” sabi ni Arnel.

Ipinahayag din ni Jovit na pinakamasakit na intrigang ibinabato sa kanya ngayon ay ang balitang hindi raw siya tunay na mahirap. Ang background kasi ni Jovit ay galing sa mahirap na pamilya at tumutulong sa pamamagitan ng pagtitinda ng siomai. Ipinagtanggol naman siya ng The Buzz host na si Kris Aquino, na naging isa sa mga PGT judges din at pinasinungalingan ang paninira kay Jovit.

Dagdag pa ni Kris wala ring katotohanan ang mga balitang sinasabi ng kanyang kasama sa contest na lumaki na ang ulo ni Jovit dahil nang manalo raw ito sa Araneta Coliseum noong grand finals ay buong-buo ang pagyakap sa kanya ng kanyang mga kalaban, patunay lamang na masaya sila at sincere para sa nakamit ng kasamahan.