THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Saturday, June 12, 2010

PGT's Jovit Baldivino, nagsalita na tungkol sa pag-snub niya kay Vilma Santos!

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com
Sa Pilipinas Got Talent press conference ng Top 12 finalists kahapon sa Dolphy Theater ay sinabi ni Jovit Baldivino na wala silang problema nina Batangas Governor Vilma Santos.

Previous weeks ago sa Buzz Express ay napabalitaang ini-snub daw ni Jovit ang isa sa mga sorties ni Vilma Santos, kung saan siya ay inimbitang kumanta.

"Hindi po ako naniniwalang galit po ang mga Vilmanians sa akin dahil iisa lang po ang taong nagsasalita ng tungkol sa mga nangyayaring 'yon. Pero alam ko, susuportahan po ako ng Vilmanians," sabi ni Jovit tungkol sa balitang gumagawa raw ng kampanya ang mga Vilmanians na huwag siyang iboto sa finals.

"Kung may galit kayo sa akin, pasensiya na lang. Sana iboto niyo pa rin ako sa grand finals," kanyang patapos.