THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, June 16, 2010

Princess Snell of GMA7 and BAGONG 'GIRLFRIEND' ni Manny Pacquiao??


“Kung may magbibigay, why not." Ito ang birong sagot ni Princess Snell matapos itinanggi na niregaluhan siya ng kotse at condo unit ni Pinoy boxing icon at congressman-elect na si Manny Pacquiao.

Sa entertainment talk show na Startalk nitong Sabado sa GMA-7, nilinaw ng Starstruk V Avenger na si Princess, ang lumabas na ulat sa isang tabloid na tumanggap siya ng regalong kotse at condo unit mula kay Manny.

“Hindi po talaga totoo ‘yan kasi unang-una si Manny Pacquiao kakilala ko na po siya, tapos me ginawa kaming indie film before. After indie wala po talaga, yung sinasabing binigyan ako ng kung ano-ano wala po talagang katotohanan yun," pahayag ng baguhang aktres.

Idinagdag ni Princess na ang kumakalat na larawan nila ni Manny sa Internet ay karaniwang litrato lang ng isang umiidolo sa tinaguriang “pambasang kamao."

“Siyempre po sikat na tao si Manny, idol ko siya nagpa-picture ako," paliwanag niya kina Ricky Lo at Lolit Solis na host ng show.

Nang hingan si Princess ng mensahe para sa maybahay ni Manny na si Jinky, pahayag ng aktre: “Hindi po totoo ‘yong mga pinagsasabi nila. Unang-una nagpa-picture lang po ako sa asawa n’yo at lumabas lang po sa internet. At saka ngayon kasi nagsimula akong mag-artista so siguro ginawan nila ng issue."

Idinagdag ni Princess na ang kaibigan ni Manny ang talagang kabarkada niya.

Pero hindi nakalusot kay Lolit ang sinabi ni Princess na kung may handang magbigay sa kanya ng regalo ay bakit hindi para mabawasan ang kanyang paghihirap sa trabaho. Kaya naman inusisa siya uli ng host tungkol sa naturang sagot.

"Ibig mong sabihin kung may magbigay okey lang?" tanong ni Manay Lolit. Natatawang sagot naman ni Princess, "Biro lang po, pero why not."

Sa itsura at tindig, sinasabing si Princess ang posibleng sumunod sa yapak nina Katrina Halili, Iwa Moto at Jackie Rice, na susunod na magpapa-seksi sa mga men’s magazine.

Inihayag naman ng batang aktres na handa naman siyang sumabak sa pagpapa-seksi at may mga nag-alok na sa kanya na mag-pose sa magazine.

Sa kabila ng mga intriga, sinabi ni Princess na masaya sa buhay niya ngayon at hindi siya magpapaapekto sa mga taong nais manira sa kanya. - Fidel Jimenez, GMANews.TV


Article Courtesy: GMANEWSdotTV