THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, July 19, 2010

2ND CONFIRMED: Willie Revillame babalik sa Wowowee ilang Linggo mula Ngayon- Cristy Fermin!

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog
Babalik na raw si Willie Revillame bilang host ng Wowowee ilang linggo mula ngayon. Ito ang sinabi ng showbiz talk show host na si Cristy Fermin, na kilalang very close at "nanay-nanayan" ni Willie sa showbiz mula pa noong nagsimula ito sa kanyang career. Ito ay sa kabila ng paglalabas ng statement ng ABS-CBN na "espekulasyon" lamang ang lumalabas na balitang babalik na si Willie sa Wowowee.

"Kumpirmado!" ang sagot ni Cristy sa tanong namin kung totoo ngang balik-trabaho na si Willie as Wowowee host pagkatapos nitong mag-leave of absence ng mahigit dalawang buwan.

Kailan niya huling nakausap ni Willie? "Kagabi," sagot ni Cristy. "Nag-usap sila nung kasagsagan ng bagyong Basyang ni Ma'am Charo... Babalik siya. Pinababalik na siya."

Maluwag ba sa puso ni Willie ang pagbabalik nito sa show? "Oo. Meron pa siyang sinabi sa interview na forgiveness. 'Kasama na pagbabalik ko yung forgiveness.' Parang gano'n..."

May takot ba si Willie sa kanyang pagbabalik? "Wala, wala siyang takot. Si Willie naman, handa na talaga siyang kung wala man ang Wowowee, tuloy pa rin ang buhay niya. Yun ang kanyang prinsipyo."

Sa palagay ni Cristy, nakapagpahinga na si Willie nang maayos pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan niya recently. "Sabi nga niya, naging tao siya sa mahabang panahon. Kaya na-relax siya e. Kaya, babalik, babalik siya."

Sa pagbabalik ni Willie, alam ba niya kung may mga kundsiyones ito with the show or network? "Wala naman. Nag-meet halfway yata sila."

Courtesy of PEP.ph