THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, July 2, 2010

"Kris, ipaglalaban ko ang pagsa­sama ng pamilya natin." - James Yap

Posted/Original/Published By: http://showbiznest.blogspot.com/
After days of being mum about the status of his relationship with Kris Aquino, nagsalita na rin sa wakas si James Yap about Kris' revelations (read related article HERE) about their marriage last Sunday, June 27, sa "The Buzz".

According to Kris, her marriage to James is now over but refused to explain the reason of her separation with her husband, though she was certain and prepared to answer all the questions should his son Baby James requires that.


But in the official statement sent by James to the member of the press, sinabi nya na mahal na mahal nya sina Kris, Josh and Baby James at ipaglalaban niya na mapanatiling buo ang pamilya nila ni Kris anuman ang mangyari.

Here is James' full statement:

Kilala n’yo po naman ako. Tahimik at simple lang akong tao. Tingin ko, itong lahat ng issues na naglalabasan, siguro dapat kami na lang mag-asawa ang mag-ayos in private. Ever since naman, never n’yo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris.

"Kaya konti lang ang gusto kong sabihin.

"Naniniwala ako sa kahalagahan ng pagkakaroon ng buo ang pamilya. Kaya ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko, walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil siyempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama. Umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.

"Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino.

"May nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inauguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.

"At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.

"Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang sitwasyon. May tamang oras at panahon ang lahat.

"Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin.

"Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na tunay na anak na ang turing ko.

"Inuulit ko, it’s final, ipaglalaban ko ang pagsa­sama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!"