THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, July 25, 2010

Willie Revillame at Pokwang, pinag-aaway ni Cristy Fermin?!

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog



OLA CHIKKA! KAMAKAILAN lamang ay naglabasan na ang isyu tungkol dito sa pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee na pinalaki nitong si Cristy Fermin.
Maraming nagtatanong kung bakit si Cristy ang nagsasalita tungkol sa isyu ni Willie eh, hindi naman siya manager or lawyer. Malamang ay ginagawa ito ni Cristy dahil anak-anakan daw niya si Willie.

Ngunit para sa akin lang, ha? Bakit ka pa magbibigay ng impormasyon kung hindi lang din naman detalyado? Ano ‘yun tamang nanggugulo ka lang?

At isa pang hindi ko nagustuhan ay ang paglaki ng isyu sa pagitan ni Willie at ng dating co-host na si Pokwang na lumalabas at sinabihan ni Cristy na walang utang na loob.

Bakit kailangang ipagdiinan ang napipintong samaan ng loob sa dalawa samantalang wala namang kinalaman ang komedyante sa pagkawala ni Willie? Sadyang ginagawa lamang ni Pokwang ang kanyang trabaho upang mapaganda ang show at kung isasali n’yo pa ang isyung pangangampanya ni Pokwang kay P-noy noong nakaraang kampanya, walang problema ro’n.

Nanindigan lamang si Pokwang sa kandidatong gusto niya at kung kawalan ng utang na loob ang
kanyang ginawa eh, ‘di wala nang tao ang gustong manindigan sa kanilang pinaniniwalaan.
Mukhang pinalalala ni Cristy ang tensiyon sa pagitan nina Willie at Pokwang, ha? Hmmm… sa tingin n’yo?


Source: http://www.pinoyparazzi.com/willie-revillame-at-pokwang-pinag-aaway-ni-cristy-fermin/