Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN Head of Corporate Communications na si Mr. Bong Osorio hinggil sa nalalapit na pagwawakas ng weekly musical talk show na “Sharon.”
Heto ang official statement:
Heto ang official statement:
“Gagawa ng bagong programa si Ms. Sharon Cuneta pagkatapos ng kasalukuyang season ng kanyang show tuwing Linggo.
“Ang bagong programang ito ay magbibigay pagkakataon sa Megastar na makapagbahagi ng kanyang talento at karanasan sa pamamagitan ng pagme-mentor sa mga nagnanais na maging tanyag na mang-aawit o artista na sasali sa isang talent search show na malapit ng magsimula.”