THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, August 20, 2010

SUPER HOT: Angelica Panganiban VERSUS Claudine Barretto! Nagbangayan!

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog


GUSTO SANA NAMING pumunta sa live airing ng Showbiz Central last Sunday para mahingan ng reaksiyon si Claudine Barretto na guest co-host for the said showbiz-oriented talk show. Ito’y kaugnay ng napapabalitang umiinit na iringan nila diumano ng seksing young actress namang si Angelica Panganiban.

Nag-iisip na nga kami kung paano ang tamang approach kay Claudine, kung paano tatanungin hinggil sa gano’ng siyu sa kanila ni Angelica sa kasalukuyan. Ang kaso, isang close sa kanya ang nag-advice sa amin na huwag na raw kaming mag-effort pa kung iyon din lang ang papaksain ng gagawin naming interview sa kanya. Hindi raw kami magwawagi na mapagsalita ang aktres for sure. Kaya nga raw wala ring iba pang reporter na nangangahas to ask her about it.

Hindi malinaw kung ano ang puno’t dulo ng biglang pagsiklab ng away between Claudine and Angelica. Basta ayon sa usap-usapang kuwentong nakarating na rin sa amin, may nanggatong daw na pag-awayin ang dalawa.

Si Claudine daw, kaagad-agad daw naman diumanong naniwala sa mga sulsol at maling parating sa kanya. Hanggang sa nanggalaiti na raw sa galit at nagsimulang away-awayin na si Angelica through text.

Kalaunan, tumatawag-tawag na rin daw diumano itong si Claudine para awayin at taray-tarayan daw si Angelica. Naloloka naman daw ang huli na napu-provoke ding makipagsagutan na.

Hanggang sa hindi na diumano kinakaya nitong si Angelica ang ginagawang pang-aaway sa kanya ni Claudine through cellphone text and calls. Nag-decide umano ang dalaga na magpalit na lang ng number.

Na siguro raw ay lalong ipinanggalaiti sa galit ni Claudine, kaya sa Twitter naman daw ngayon idinadaan ng aktres ang pang-aaway kay Angelica. As in grabe raw talaga ang mga patutsada niya sa seksing young actress gaya diumano ng – ‘kung hindi pa ko umalis sa ABS-CBN hindi ka siguro mabibigyan ng sariling seryeng pagbibidahan.’

Siyempre, palaban at hindi rin daw umuurong sa tarayan si Angelica na sumasagot naman diumano ng kontra pagtataray gaya ng patutsadang ‘hindi naman daw nagri-rate ang drama anthology ni Claudine sa GMA-7’. Talagang umaatikabo na raw ang matataray at ubod ng anghang nilang sagutan.

We also want sana to try getting Angelica’s side on this. Pero nasa abroad pala ito sa kasalukuyan.

Sa pagkakaalam namin, dati namang friends sina Claudine at Angelica. And they also had a very good working relationship when they did the primetime series Iisa Pa Lamang noong Kapamilya pa si Claudine.

Tumatak nga sa isip ng publiko ang hindi mabilang na mga tagpong nagsasagutan sila ng mga ubod ng tataray na linya nang bonggang-bongga. At kung paano sila mag-away at magtalalakan sa mga eksena nilang iyon sa nasabing pinagsamahan nilang teleserye, gano’n din nga diumano kung patutsadahan nila sa ngayon.

So, ano nga bang dahilan? May kinalaman kaya ang naging away nina Claudine at Angelica sa naging away noon ng elder sister ng una na si Gretchen Barretto?

Whatever it is na naging mitsa ng matinding awayan nila ngayon, tanging sina Claudine at Angelica lang ang makapagsasabi ng totoong kuwento sa likod nito.

Kung kelan pa napapabalitang unti-unti nang nagkakabati sina Angelica at Gretchen, saka naman biglang si Claudine naman ang makakaaway ng dalaga.

Source: PinoyParazzi.com