Wednesday, August 11, 2010

Willie at Pokwang, may hidwaan ba talaga?

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog

Binasag na ni Willie Revillame ang kanyang katahimikan ng sinagutan niya ang haka-hakang may namumuong hidwaan raw sa pagitan nila ni Pokwang.

"Hindi ako nagagalit, galit kay Pokwang. Wala akong kinagagalit kahit kanino, wala naman akong sinasabi," Revillame said. “At una, hindi ako nagsalita ng kahit ano pa man. Sa kanila naman nanggaling, ako ay nakatahamik lang.”

“Kasi gusto ko ibigay lahat ang tribute sa Filipino lahat. Gusto ko sila ang mag-host. Ako ay utusan na lang nila doon sana ito sa pagbalik ko. Hindi naman para sa tanggalin sila. It's reformat… In fairness, sinabi ko lahat tangalin ninyo kasi wala na silang gagawin dahil ang co-host ko ang masang tao na," Revillame explained.