THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, August 25, 2010

Willie Revillame, tuloy na ang bagong noontime show sa TV5!

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog


UMPIRMADONG BY SEPTEMBER na ang airing ng bagong programa ni Willie Revillame sa Channel 5. According to our source ang titulo umano ng show ni Willie ay “Wiling Willie Kami” na itatapat sa timeslot na iniwanan ng Wowowee.


Kapag tinatanong si Willie tungkol sa bago niyang programa, hindi ito nagbibigay-kumento. Sa halip, sinasabing wala pa siyang napipilitng TV network. Pero ang totoo, plantsado na ang magiging show nito na ang huling balitang nakarating sa amin, makakasama niya rito si Valerie Concepcion.
Dahil sa bagong programa ni Willie sa Kapatid Station ay muling nabawasan ng mga naiwang staff ng Wowowee sa Dos.

“Dati, ten lang ang umalis sa Dos nang mawala si Willie, ngayon more or less ay fifteen na silang lahat na makakasama ni Willie sa bago nitong programa,” pahayag iyon ng aming show na nagsabi pa ring lahat daw ng mga kahilingan ni Willie sa magiging programa nito ay ibinigay na lahat ng Channel 5.
Kaya abangan na lang natin kung ano ang mangyayari sa bagong programa ni Willie sa Channel 5.

Source: PinoyParazzi.com by Morly Alinio.