THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, September 6, 2010

Marian Rivera, pakitang-tao lang ang pagdalaw kay Buboy Villar sa ospital?!




http://www.pinoyparazzi.com/wp-content/uploads/2010/09/Marian_Rivera-Buboy_Villar-300x299.jpgSA DAMI NG mga negatibong sinasabi at nasusulat tungkol kay Marian Rivera, nakatutuwang isipin na hindi naman siya nagpapaapekto sa mga pang-iintriga sa kanya. Malalaman na lang kung affected siya, kapag nangyari na habang sumasagot at nagpapaliwanag siya tungkol sa isyu ay umiiyak siya. Pero kung wala naman siyang paki, tinatawanan lang niya ang mga pang-iintriga sa kanya. kaya naman lalo siyang kinaiinisan ng mga kontra sa kanya.


Katulad na lamang nitong huli, pinagdududahan ang sincerity ni Marian sa kanyang naging pagdalaw sa hospital nu’ng manganib ang buhay ng child actor na si Buboy Villar dahil sa sakit na dengue. Sikat na sikat daw kasi ang bagets dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte, kaya nagpakitang-gilas ang girlfriend ni Dingdong Dantes, at sinamantala ang pagkakataon na mayroong TV crew ng GMA-7 para buong-ningning na maipakita kuno na bait-baitan siya.

Unfair din naman iyon kay Marian, dahil nasa plano na rin naman niya talaga na dalawin at tulungan ang pamilya ni Buboy tungkol sa pangangailangan sa kanyang pagpapagamot, lalo pa nga’t pati na ang isa pang kapatid ng child actor ay napasabay ring dinapuan ng dengue.
Nagparamdam na rin kasi ang pamilya ni Buboy, na dahil sa laki ng kanilang gagastusin sa hospital, kailangan na rin nila ng tulong pinansiyal. Kaya lalong nagbigay ng panahon niya si Marian para sa kaibigang nagka-dengue.

Ito ang isa sa kapuri-puring ginawa ni Marian. Kasi, sa totoo lang, sobrang natakot na si Buboy sa kanyang buhay nu’ng nakaratay siya sa hospital. Habang may sakit, gusto pa rin niyang magtrabaho, dahil siya na ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.

Down na down ang bagets, pero nang malaman niyang dadalawin siya ni Marian ay nabuhayan ng loob ang damdaming-bata niya, dahil parang ate na ang turing niya kay Marian. Gumanti lang naman ang magandang aktres, dahil napakalaki ng naging suporta sa kanya ng bibong pag-arte ni Buboy sa mga pinagbidahan niyang teleserye, gaya ng Dyesebel at Darna.

Courtesy: by Melchor Bautista at PinoyParazzi.com