THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, October 13, 2010

Richard Gutierrez, Anim ang leading lady sa pagbabalik ng Captain Barbell sa GMA7!




Maraming maiinggit kay Richard Gutierrez sa tsikang anim na naggagandahang Kapuso actresses ang makakasama niya sa Captain Barbell. Kabilang sa anim sina Lovi Poe, Bela Padilla, Gwen Zamora, Sam Pinto, at sina Michelle Madrigal at Solenn Heussaff na magkasama sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Hindi naman lahat magiging leading ladies ni Richard, ilan lang sa kanila, dahil ang iba’y may sariling kuwento at isa sa anim ay heroine ang papel. Sa November na yata ang start ng taping at kundi mababago ang lineup, silang anim na ang kasama ng aktor. Pansining nawala sa listahan si Jewel Mische na unang nabalitang kasama sa cast.


Courtesy: LionhearTV