ABS-CBN’s “Bayan Mo Ipatrol Mo” launches “Ako ang Simula: Pasko ng Pagbabago.”
Ang pagtulong at pagpapasaya sa kapwa ngayong Kapaskuhan ay hindi lamang sa pamamagitan ng pera, mga lumang damit o kagamitan. Maari rin itong gawin sa pamamagitan ng paglalaan ng inyong oras, talento, o lakas basta ba bukal ito sa iyong kalooban.
Ibahagi na ang tunay na diwa ng Pasko at ipagpatuloy ang pagsagot sa tawag ng pagbabago sa inyong sariling pamamaraan sa naiibang kampanya ng ABS-CBN News and Current Affairs’ Bayan Mo iPatrol Mo ngayong Disyembre, ang “Pasko ng Pagbabago.”
Hinihimok nito ang mga aktibong bayan patroller na magpakita ng malasakit sa ibang tao, grupo ng tao, o maging isang komunidad tulad ng boluntaryong pagsilbi bilang mga tagapag-pasaya ng mga ulilang matatanda o bata, pamamahagi ng pagkain o laruan, paglilinis ng estero at kanal, pagtatanim ng puno, pagtuturo sa mga batang lansangan, at iba pang pwede magawa na magbibigay pag-asa sa kapwa.
Ipagbigay alam lamang ang inyong “good deed” sa BMPM sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa ireport@abs-cbn.com o pagte-text ng IREPORTpangalanaddresskasarianang inyong mensahe sa 2366. Ang aktibidad na mapipili ay may pagkakataong maipalabas sa “Umagang Kay Ganda” at “TV Patrol” ng ABS-CBN at sa ANC kasama ang ilang ABS-CBN anchors.
Siguraduhin lamang kumpleto ang detalye ng intong suhestyon tulad ng ilan kayong kasali sa aktibidad, saan at kailan ito mangyayari, at ano ang positibong epekto nito sa komunidad na inyong pagsisilbihan.
Para sa karagdagang impormasyon ay pumunta lamang sa http://bmpm.abs-cbnnews.com/