THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, December 3, 2010

Erich Gonzales is Maria la del Barrio!- SOON ON ABS-CBN!



















Isa sa mga ipinakilala sa ABS-CBN Trade Launch noong huwebes na mapapanood ngayong 2011 sa Kapamilya Network ay ang Maria La del Barrio na isang Mexicanovela series noon ni Thalia kasama sina Fernando Colunga at Itatí Cantoral.

Ang Mexicanovela series na ito ay ipinalabas sa RPN 9 noong 1996-1997 at nireplay naman ng GMA7 noong 2002-2003.

At ngayong 2011, ireremake naman ito ng ABS-CBN at ang mapalad na gaganap sa role na María Hernández de la Vega rito ay si Erich Gonzales. Napakaswerte ni Erich dahil sa kanya naibigay ang serye na ito na siguradong papatok dahil sa ganda ng istorya.

Ang tanong na lang ngayon, sino kaya ang gaganap sa mga role bilang sina Luis Fernando de la Vega at Soraya Montenegro de la Vega Montalban na mga importanteng lalaki sa istorya ng Maria la del Barrio?