ECHOSERA TALAGA ITONG SI CLAUDINE!!!
Anyway, narinig ng aming source na ipinakiusap daw ng aktres na basahin ang sulat ng inang si Gng. Inday Barretto sa ere na kunwari ay hindi niya alam na may sulat ang ina.
“Naku, nakakaloka talaga si Clau, imagine, sabihin ba na basahin daw sa ere ang sulat ng mommy niya at kunwari hindi raw niya alam? Ano ba ‘yun?” pambubuking ng aming source.
Ang isa sa mga nilalaman ng sulat ay ang pagbati ni Mommy Inday sa kanyang anak sa bago nitong tahanan (GMA 7) na may puso raw talaga dahil kinilala ang 18 years niya sa showbiz, hindi raw tulad ng iba diyan (obviously ABS ang pinatatamaan) na dinedma lang ang aktres.
Nakakaloka! Magparinig ba talaga? So halatang bitter pa rin si Claudine sa paglipat niya sa Siyete kasi hindi siya pinigilan ng Dos? Ganu’n ba yun? Pero paano nga siya pipigilan, e, hindi naman siya nagpaalam. Nagulat na nga lang ang Star Magic nang malaman nila na pumirma na siya ng kontrata sa GMA?
Well, sana matupad nga ni Claudine ang mga pangarap niya sa GMA na hindi naibigay sa kanya ng ABS-CBN at sana umabot din siya ng 18 years sa bago niyang tahanan.
Courtesy: Kakulay Blog