THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, January 10, 2011

Erich Gonzales at Xian Lim, mag-dyowa na?!


https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEip2BilE2PYUfGJSIv9uBfdGozGqJfZ8JBpfsw8KMAs8pRjdeavjY9c4XKiwtNijLk-9-jwfjBIZdiSVDQjBqjtM2DvDcO7OOht07jVnUqUOZBjxuVQdPC9xLlHnivatMQARxr80Eu5-Zc/s400/erich.jpg 
NABUKING NG ISANG non-showbiz friend namin na talagang mag-on na pala sina Xian Lim at Erich Gonzales. As in sila na nga raw, base sa ka-sweet-an ng mga kilos nito together. Bagay na karapatan nilang aminin o i-deny.

Taga-Marikina City ang ating source, na eye-witness, kaya confident ito sa pagkukuwento ng kanyang nakikita kina Xian and Erich, hindi lang isang beses. Iisa kasi ang kanilang gym na nasa Marikina.

Maics Gym, Boxing, and Fitness ang pangalan ng gym ng aming source, at ng dalawang Kapamilya personalities. Location nito ay sa Pikador cor. Ditchoy Sts., Midtown Subdivision, Marikina, at very confident ang aming informant na nakikita niya personally sina Erich and Xian na sweet together, habang nagdyi-gym doon.

“Sa itaas na level ng gym na ‘yun kung saan din ako nagwo-work out, laging sabay nagdya-jogging sa boxing area sina Xian at Erich. Inaalalayan ni Xian si Erich at sweet sila sa isa’t isa.

“Iba naman ang kilos ng magkaibigan sa mag-syota, ‘di ba? Alam ko dahil ako rin naman ay may ka-relasyon. Lagi silang nagdyi-gym doon, at marami ang nakakakita,” kuwento ng aming source.

Come to think of it, ang ibini-build up na loveteam kay Erich ng ABS-CBN ay si Enchong Dee, pero tila mas “nahulog” na yata ang damdamin ni Erich, in real life, sa guwapo ring si Xian, na tulad ni Enchong ay nakasama rin nito sa launching show niyang Katorse na nag-hit sa televiewers.

Sa buhay-artista lalo na’t pinapasikat ng malalaking network, normal ang pag-develop sa loveteams, like in the case of Erich and Enchong, pero tao rin silang kailangang kumilos nang normal, at kung ano ang tunay na nararamdaman nila ay mahirap itago sa publiko, tulad ng pagiging sweet nga raw ni Erich kay Xian sa gym.

Again, tulad ng sabi namin, kung magde-deny man sa eksenang ito sina Erich at Xian, karapatan nila ‘yun. Or puwede ring dahil sa “pambubuking” na ito eh, mag-iba o mag-hiwalay na sila ng gym, hindi kaya? Ha-ha-ha!

Kapag nangyari ‘yun, guilty ang mga ito?

Well, sa tandem ng Erich-Enchong, kung loyal talaga ang kanilang fans sa kanila, may ma-link man romantically na isang Xian Lim, ‘di sila dapat bumitaw sa kanilang idols. Ang Vilma Santos at Christopher de Leon, ilang blockbuster films ang nag-hit noong araw, and yet, hindi sila naging mag-on, iba ang mga nakarelasyon nila. Ganoon lang ‘yun.

Courtesy: Column of Mell Navarro in Pinoy Parazzi