Tiyak nang biggest news sa showbiz sa buwan ng Enero ang wedding nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto.
Ikakasal ang dalawa sa Jan. 11 pero maliban sa petsa, lugar, mga ninong at ninang, walang ibang detalye sa inililihim na kasal nina Oyo at Kristine.
Pero kagaya ng aking madalas sabihin, matalas ang pang-amoy ng mga reporters kaya siguradong malalaman nila ang exact wedding venue bago sumapit ang Jan. 11. Sa rami ng mga talk shows sa Pilipinas, imposibleng hindi ma-trace ng kanilang staff ang venue at ibang detalye sa inaabangan na showbiz wedding.