Ipinahayag ni Mr. Fu ang kanyang saloobin sa Paparazzi last Sunday kung saan ay humalili siya sa isa sa mga hosts nito na si Ruffa Gutierrez na nasa ibang bansa.
Tinanong nina Cristy Fermin kung ano ang masasabi niya sa insidente kung saan ay sinunog ni Melai Cantiveros ang larawan niya as part of the segment na tungkol sa mga bagay na gusto mong iwan sa 2010.
Ang sagot ni Mr. Fu: “Wala naman akong nagagawang masama kay Melai para gawin niya yun. At di ko gagawin yun sa kanya, no one deserves that. Happy New Year!”
Nagpadala ng statement sa PEP ang “Banana Split” Business Unit Head na si Cynthia Jordan tungkol sa nasabing issue:
“Definitely not true that we ‘hate’ mr fu. the segment was abt ‘things that u have to leave’ 2010. Isa duon ay yung mga overused terms like ‘meganun’ and ‘eowphoz’, and yung mga tampuhan issues like cristine n sara, aga n sharon etc. pinakita dun ang mga pics nila but it doesnt mean na galit kami sa kanila, we are referring to the issue related to them and not them per se. Hope this clears out any miscom issues.”Courtesy: Echoserong Prinsipe