Pumirma na raw ng kontrata si Aga Muhlach sa TV5? Ha? Eh bakit wala man lang funfare? Bakit walang ingay? Bakit hindi siya hinabol ng ABS-CBN at pinigilan and offered a higher fee? Hayan tuloy, deadma lang pati na everybody!
Ang dami namang mga walang trabaho ang nagtatakbuhan sa TV5 ‘pag ayaw na ng GMA7 o ng ABS-CBN sa wala nang value na star. At ‘pag nandoon na ipagyayabang namang inalok daw sila ng talent fee na times 5 din! Anoh? Pakiulit n’yo nga ‘yan? Sinong uululin nyo?
Kung ikaw ay walang trabaho at ang TV5 ang court of last resort mo, meaning ikaw na ang nagmamakaawa na tanggapin ka, bigyan ka ng trabaho -- eh ‘di hindi puwede ang name your price honey!
Kung ano ang ibibigay sa iyo na talent fee eh mapipilitan kang tanggapin dahil kapit sa patalim na ‘yun. And thankful ka na na tinanggap ka, may trabaho ka na! At bilang gratitude eh ipagyayabang mo ngayon na binayaran ka ng times 5. Oh, debah pam-value added attraction?
Secondly, Mr. Manny V. Pangilinan is a businessman, at alam niya ang value ng investments niya. Kaya nga siya naging bilyonaryo, noh! He doesn’t simply grab anything hoping to make money on it.
Kung negosyante ka (like I am not!), hindi ka basta-basta maglalagay ng mataas na puhunan sa isang commodity na palugi. Doon ka syempre sa magtutubo ka! And stars are hard to determine whether magtutubo ka o malulugi ka. Ano si Mr. MVP, nagtatapon ng salapi?
Plano rin daw ni Gabby Concepcion na lumipat na sa TV5. Go! Go! Go!
Hoy, lahat kayong taga-GMA7 at ABS-CBN talents magsilayas na kayong lahat diyan at doon na kayo sa times 5 ang bayad sa inyo, ha! But then, puro naman wala nang face value ang naglalakad patungong singko, debah?
Kung tulad ng ibang nagsilayas sa ABS-CBN ay dinedma na lang nila ang paglayas ni Willie Revillame eh hindi sana nagkaroon ng added value itong si kolokoy! Well, habang dumarami ang demanda sa kanya ay lalo siyang nagkakaroon ng value, pinag-uusapan, daily topic, newsbuster (debah sinabayan niya ang news hour?), go-getter at mas lumaki ang salaping pinamumudmod daily!
At newsmaker pa ang mokong dahil matalino ang grupo nila by taking-in as Willie’s co-host the lovely Shalani Soledad (as opposed to “Wowowee” co-host, the ugly duckling Pokwang!).
And who is Shalani naman? Siya lang naman po ang ex-GF ng Pangulong Aquino. Si Willie ay maka-Manny Villar na tinalo nga ni PNoy. So by taking in PNoy’s ex in Shalani para na rin silang nagtagumpay, debah naman?
Ang report sa akin sa Facebook ay pinakamarami raw nanonood sa TV5 sa “Face to Face” followed only by Willing Willie. Nagkaroon lang naman ng exodus of studio audience sa TV5 nu’ng mamudmod na ng salapi si Willie.
Hindi naman ganoon kalakas ang convincing power ni Revillame dahil kung meron siya, eh ‘di sana si Manny Villar ang ating presidente ngayon! Pati nga si Dolphy na nag-endorsed din kay Villar ay napatunayang lumaylay na ang popularidad dahil napatunayan ‘yan sa “Father Jejemon” na produced niya at kulelat sa takilya!
Courtesy: Star Nga Ba by Alfie Lorenzo from Abante Online