THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, March 6, 2011

Gerald Anderson admits Kim Chiu was his first love!


http://4.bp.blogspot.com/_Y-zQ4ZPEHn0/TJlgtX_DITI/AAAAAAAAJKQ/SJJkHAV4B_0/s1600/lovely+pair.jpg
Gustuhin man daw niyang sagutin na sana nga ay in love siya ngayon, sinabi ni Gerald Anderson sa The Buzz na single siya. “How much na gusto kong sagutin na yes but sa ngayon, I’ll wait for the right time, ‘pag andyan siya. We’ll see but sa ngayon, no (I’m not in love). There’s nothing to keep quiet (about). Sa ngayon no po,” paglilinaw ng action drama prince. Pero naging mabilis ang sagot ni Gerald na handa na raw siyang ma-in love.

Nang itanong naman ang kanyang greatest romantic love, sinabi ni Gerald na masyado malalim ang term greatest romantic love dahil 22 years old pa lamang siya. “First love siyempre ho si Kim (Chiu). She was my first love,” dahilan upang maghiyawan ang mga tao sa studio.

Sa kanyang upcoming movie na Catch Me, I’m In Love, makakapareha ni Gerald ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na sinabi niyang nagiging close friend na niya. Nang itanong ni Boy Abunda kung ano sa tingin ng aktor ang magiging status nila ni Sarah a year from now, ang safe na sagot ng aktor, “Sana tuloy-tuloy ang friendship namin kasi sobrang nagiging close na kami sa movie. Kahit sa family niya, kay Mommy Divine, si Daddy (Delfin). Sana tuloy-tuloy ang friendship.”  Binigyan pa si Gerald ng follow-up question ni Boy kung may pag-asa bang maging sila ni Sarah in the future pero pa-safe talaga si Gerald. “We’ll see. Ang tawag ko nga sa movie namin kilig experience.”

Tinanong din ni Boy si Gerald kung ano ang mas pipiliin niya, special someone o new project. Mas gugustuhin daw sana ni Gerald ay sabay.

Isa sa mga pinakasikat na aktor ngayon si Gerald pero sinabi ng binata na marami pa siyang gustong makamit sa kanyang buhay. “Andami ko pang gustong ma-expereince. Gusto ko mag-travel, gusto ko maraming projects to inspire ang mas maraming people. Andami ko pang gustong gawin.” Nang tanungin ang kanyang ideal age para magpakasal, sinabi ni Gerald na pagsapit daw ng edad 30 hanggang 32 anyos.

Showing na sa mga sinehan ang Catch Me, I’m In Love sa March 23.

Courtesy: Push.com.ph