THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, March 29, 2011

Kim Chiu congratulates Sarah Geronimo & Gerald Anderson!


http://3.bp.blogspot.com/_E4VRTHYYpkY/TNoc4JlTQwI/AAAAAAAAIPU/5_QmGu8BuEU/s1600/kimchui.jpg
Very successful ang first ever movie na pinagsamahan nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love kaya masayang-masaya ang dalawa sa suportang natanggap mula sa kanilang fans.

Maging ang dating kapareha ni Gerald na si kim Chiu ay masaya rin sa tagumpay na tinatamasa ng pelikula ngayon. “Masaya ako for them and congratulations! Sinabi ko naman iyon kay Gerald na sure akong blockbuster yun dahil siyempre Gerald tapos kasama niya pa si Sarah,” nakangiting pahayag ni Kim. Nagbigay din ng payo si Kim kay Gerald bago pa ipalabas ang pelikula sa mga sinehan. “Sinabi ko sa kanya na huwag siyang kabahan dahil sigurado akong blockbuster iyan,” kuwento pa ng dalaga. Hinding-hindi raw palalampasin ng young actress ang pelikula at siguradong panonoorin niya ito.

Samantala, ginulat ni Kim ang lahat sa kanyang sexy pictorials para sa Star Studio’s Sexiest Celebrities na kinunan kamakailan. Silang dalawa ni Gerald ang itinanghal na Sexiest Young celebrities. “Tiyan lang naman iyon, ‘tsaka pang-ano rin sa mga tao na lahat ng bumoto siyempre sayang naman yung daliri nila napudpod na sa kaboboto so sabi ko okay lang siguro mag-pose na ako ng ganito. Nagpapasalamat ako dahil ang daming text votes at ang daming bumoto,” paliwanag ni Kim.

May plano na ba siyang magtuloy-tuloy sa pagpapa-sexy o mag-pose for a men’s magazine? “Ay! Hindi, hindi po talaga ako magpo-pose for a men’s magazine. Nakakahiya yung katawan ko,” natatawang sagot ni Kim.

Courtesy: Push.com.ph