Dapat kasi ay 4th year high school na si Kim noon pagkatapos niyang manalo sa first teen edition ng Pinoy Big Brother. Napahinto sa pag-aaral si Kim dahil sa dami ng kanyang showbiz commitments. Minabuti ng young actress na mag-enroll sa special education na ino-offer ng DepEd at naging matagumpay naman si Kim sa kanyang pag-aaral.
“Ang sarap ng pakiramdam, ayan na siya. Ang tagal ko nang gustong maka-graduate. Ito talaga yung pangarap sa akin ng lola ko na bago ako pumasok sa showbiz makatapos ako kahit high school man lang, eto na, may gift na ako sa kanya. Hindi naman biro yung showbiz to education, tapos ang baba ng tingin sa akin ng mga tao. Kapag artista ka, easy money kaya di na sila nag-aaral. Sinasabi ang bobo, walang pinag-aralan pero ang gusto kong ipakita ay nag-aaral din naman kami, may mga pangarap din kami na makapagtapos,” emosyonal na pahayag ni Kim.
Paano nga ba pinagsabay ni Kim ang showbiz at ang pag-aaral? “Kapag dinner break, aral na lang. Pagkatapos ko basahin ang script, babasa naman ako ng lessons ko. Kapag walang work ay nag-aaral ako para sa exam,” kuwento pa ng aktres. Gusto raw ni Kim kumuha ng business course sa college dahil pangarap din niyang magtayo ng iba’t ibang business someday.
Courtesy: Push.com.ph