Tweet
"Panahon na!"
Buong-pagmamalaking inihahandog ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) ang Choose Philippines—ang kauna-unahang socialnet travel website tampok ang mga pinaka-magagandang pasyalan, pinaka-masasarap na pagkain at maging ang mayamang kultura ng Pilipinas. Ito ay live nang matutunghayan simula Abril 15, Biyernes.
Ang travel website nahttp://www.choosephils.com ay natatangi sa pagbibigay ng sapat at up-to-date na impormasyon tungkol sa mga lugar, pagkain at kultura. Ang proyektong ito ay naisa-katuparan sa pamamagitan ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) at ng 32 nitong sangay sa buong bansa.
Ang Choose Philippines ay mayroong aktibong Facebook community page na may mahigit na 200,000 “likes” na, at patuloy pang nadaragdagan araw-araw.
Hindi lamang ang Boracay, Coron at iba pang sikat na tourist destinations ang tampok sa travel website. Sa 7,107 isla ng Pilipinas ay nagkukubli ang mga magaganda at pinaka-iingatang yaman nito. Kaya naman, lahat ay naniniwalang ang mga Pilipino ay lubos na ipinagmamalaki ang yamang mayroon sa bansa. Ito ay ang tahanan ng bawat isa na nais ipagmalaki ng Choose Philippines.
Ani ni ABS-CBN Regional Network Group Head Jerry Bennet, inilunsad ang Choose Philippines upang ipakilala ang mga natatanging pook sa Pilipinas, hindi lamang sa kapwa Pilipino kung hindi maging sa buong mundo. “We wanted everyone, both Pinoys and non-Pinoys, to experience our country.”
“I love the Philippines, really! For me, it's a country like no other. It’s my bragging right, my claim to fame that I am a Filipino. I've traveled this nation from north to south, east to west and I can only utter phrases of thanksgiving for the charm and the grandeur of the Philippines!” dagdag pa ni Bennett.
Ayon sa World Tourism Organization, noong nakaraang taon, umabot sa isang bilyon ang bilang ng mga turista sa buong mundo—may 15 milyong bumisita sa Thailand, 30 milyon sa Hong Kong at 3 milyon lamang sa Pilipinas.
Alam n’yo bang mas mahal ang pagpunta sa Boracay kumpara sa pagpunta sa Hong Kong? Bakit? Ito ay dahil sa kulang ang Pilipinas sa mga imprastraktura na susuporta sa turismo. Ang gobyerno ay may malaking parte sa pagsasagawa nito. Ang turismo sa bansa ay isa sa mga sektor na labis na nangangailangan ng tulong.
Hindi na rin kailangang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pilipino at ilagay ang sarili sa panganib kung dito sa bansa ay mayroon nang mapagkakakitaan. Hindi na rin sila mawawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.
At ang solusyon? Turismo. Ang pagsasagawa ng mga proyekto para sa pangkabuhayan at isang “sustainable tourism” ang mga maaring maging sagot sa problemang ito.
Sinusuportahan ng Choose Philippines ang mga hyper-local business ventures ng ating mga kapwa Pilipino sa probinsya sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Nais din itong suportahan ang mga Small and Medium Enterprises (SMEs).
“It’s a country where the places and its people complement each other. The Filipino is hospitable second-to-none, resilient, fun-loving, hardworking, and given the right opportunities, can excel and even surpass the growth of our neighbors! And I believe that someday we will. The change has come and progress is set in motion,” ani Bennett.
Dagdag pa niya: “A seminal event that will positively impact this generation and succeeding generations of overseas Filipinos to come here from abroad and be proud of their country, its culture and heritage, and thus bring us to greatness!”
Hinihikayat ng Choose Philippines ang lahat ng mga Pilipino, maging ang mga foreign investors na mag-register sa kanilang website (ito ay madali lamang at walang bayad) at ibahagi ang kanilang mga karanasan.
Malugod nilang babasahin ang inyong mga kwento sa bawat pagbabakasyon, paglalakbay at pati na rin ang mga hindi kanais-nais na karanasan. Saan magandang magpunta? Anu-ano ang mga maaaring asahan? (mga nakakatakot na insekto, malalaking alon, atbp.)? Anu ang mga kailangang dalhin? (sandals sa halip na sapatos, anti-mosquito lotion, atbp.) Paano makarating at magkano ang gagastusin? Lubos ding makakatulong ang mga highlights at trivia tungkol sa lugar na napuntahan.
Iniimbitahan din ang mga Choose Philippines users na mag-email ng magagandang larawan (pinakamainam ang high-resolution pictures!) na may maikling “caption-like” article tungkol sa mga ito.
Ang lahat ng kwento at larawan ay maaaring i-send sa choosephils@gmail.com.
Huwag ding kalimutang i-like ang fan page ng “Choose Philippines” sa Facebook. Imbitahan din ang mga kaibigan na bisitahin at i-like din ang fan page. Sa paggawa nito’y malaki na ang magagawang pagbabago para sa bansa! Choose us! Choose Philippines!
Courtesy: ABS-CBN.COM