THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, April 15, 2011

Angel Locsin, naospital sa sobrang trabaho! Phil at Angel, hanggang text at tawagan lang ngayon!


Pagkalabas ng item na ito, nakalabas na marahil ng ospital si Angel Locsin. Nagpa-confine nga si Angel sa ospital kamakailan matapos siyang makaramdam ng panghihina at pagkakaroon ng rashes sa katawan.

Gusto raw sanang deadmahin ni Angel ang nararamdaman sa pag-aakalang baka sobrang na-stress lang siya sa magkakasabay na trabaho sa ABS CBN 2. Pero, naglabasan na nga ang mga rashes sa katawan niya kaya minabuti niyang magpa-confine na.

Gusto na rin daw niyang ma-check up ang buo niyang katawan para makasigurado sa kanyang kalusugan.
At lumabas daw sa pagsusuri ng doctor na dehydration ang sanhi ng panghihina ni Angel at pati na rin ang paglabas ng mga rashes sa katawan niya. Sabi nga ng kausap namin, nasobrahan daw sa trabaho si Angel kaya nakaramdam ito ng kakaiba sa kanyang katawan.

Kunsabagay, hindi naman kataka-takang ma-stress si Angel dahil sunud-sunod talaga ang taping niya para sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nila ni John Lloyd Cruz na Imortal sa ABS CBN 2.

Tapos na raw mag-taping si John Lloyd at nasa Amerika na ito ngayon, pero si Angel ay may mga natitira pa raw na mga eksena na dapat tapusin.

Eh, maliban sa taping ng Imortal, isinasabay pa ni Angel ang shooting ng pelikula nila ni Aga Muhlach para sa Star Cinema.

Anyway, pansamantala lang namang natigil ang taping ng Imortal, pero agad daw na babalik si Angel sa taping nila para matapos na ang lahat. Kailangan lang daw magpahinga ng sandali ni Angel para may energy siya sa pagratsada sa trabaho.

Nagpapasalamat nga si Angel dahil wala raw siyang matinding karamdaman. Ang sobrang trabaho lang daw talaga ang sanhi ng panghihina niya.

Siyanga pala, ayaw ring pagsisihan ni Angel ang pagkakaroon ng maraming trabaho ngayon dahil itinuturing niyang blessing ang lahat. Ngayon daw nari-realize ng aktres na wala siyang karapatang magreklamo dahil napaka­bait ng Diyos sa kanya.

ng malibre ang aktres sa schedule. Pero dahil back to work na naman si Angel, hanggang text at tawagan lang ang namamagitan sa kanila ni Phil.

Tatapusin lang daw ni Angel ang kanyang taping para sa Imortal at shooting ng movie nila ni Aga at saka siya magbabakasyon. Ito raw ang chance ng aktres na i-pamper naman ang kanyang sarili.

Courtesy: Abante