THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, April 13, 2011

Isabelle Daza signed 3 years contract to GMA-7!;to introduce this Sunday at Party Pilipinas!




Three years ang exclusive contract na pinirmahan ni Isabelle sa GMA 7 at pormal na ipakikilala siya bilang Kapuso sa darating na Linggo sa Party Pilipinas.

Live rin ang guesting ni Isabelle sa Showbiz Central at malamang na si Raymond Gutierrez ang mag-interbyu sa kanila dahil good friends sila.

Matagal nang kinukumbinsi si Isabelle na pumasok sa showbiz pero ngayon lamang siya napapayag.

May offer noon kay Isabelle na maging co-host ng isang sikat na TV show. Hindi niya tinanggap ang tempting offer dahil ang pag-aaral ang kanyang priority.

Ngayong tapos na siya sa pag-aaral, ready na si Isabelle na mag-showbiz. Binigyan muna siya ng GMA 7 ng hosting job bago isabak sa mga acting project. Nag-enroll si Isabelle sa isang acting workshop para mahasa siya sa pag-arte.


May mga nagbubuyo rin kay Isabelle na sumali sa mga beauty contest dahil dating beauty queen at kauna-unahang Pilipina na tinanghal na Miss Universe ang kanyang ina. Pero wala sa bokabularyo ni Isabelle na maging beauty queen kahit may karapatan siya. Hindi rin interesado si Gloria na pasalihin sa mga beauty contest ang kanyamg equally beautiful and talented daughter.


Courtesy: Philippine Star via Pinoy Exchange