THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, April 18, 2011

Mga kaibigan sa showbiz at fans ni AJ Perez bumisita sa kanyang burol!



Sa huling pagkakataon sinulyapan ng fans, kaibigan at kasamahan sa showbiz ang mga labi ng 18-anyos na si AJ Perez na nasawi sa aksidente.
Parang masamang biro umano ang maagang pagpanaw ng young actor na kailan lang ay bumida pa sa seryeng "Sabel."
Mabait at masayahin si AJ.
Kaka-graduate lang niya ng high school sa La Salle Greenhills.
Itinampok pa si AJ sa Cinema One “Rising Star.” Bago binawian ng buhay natapos niya ang “Maalaala Mo Kaya” episode na ipapalabas sa April 30.
Buhos ang mga nakiramay sa pamilya ng aktor.
Kabilang si ABS-CBN President Charo Santos-Concio, ang Star Magic family at mga kapwa niya artista.
Ani Empress Schuck, "Sobrang parang baby 'yun eh....Lagi nila sinasabi magkamukha kami, kami 'yung twins."
"Just his smile alone says who he is and I will always know him as two things. Either the 'Halo Kid' or the 'Halo Hero,'" sabi naman ni Gary Valenciano.
Pinakamasakit naman ang nangyari sa mga mahal sa buhay ni AJ.
Hindi mapigilan ang luha ng 12-anyos at nag-iisang kapatid ni AJ na si Angelo at magulang na sina Gerry at Marivic.
Kasama pa ni AJ ang ama nang maaksidente.
Ramdam naman ang bigat ng damdamin ng non-showbiz girlfriend ni AJ na si Steph Ayson.
Sa gitna ng pagluluksa, naiibsan ang kalungkutan ng pamilya ni AJ sa dami ng nakikiramay.
Isang tribute ang ihahandog ng mga kasamahan sa industrya para kay AJ. 

Courtesy: ABS-CBNnews.com