THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Thursday, May 5, 2011

Princess of Comedy, Pokwang new host ng 'Happy Yipee Yehey'!; Grand Welcome set this May 7!


Princess of Comedy, Pokwang new host ng 'Happy Yipee Yehey'!; Grand Welcome for this May 7!
Handang-handa na si Pokwang simula ngayong Sabado na magbigay-saya bilang pinakabagong host ng pinaka-pinaguusapang noontime show sa bansa, ang Happy Yipee Yehey!  Isang malaking welcome episode ang dapat abangan para sa kanyang pagbabalik sa noontime.  Sa isang eksklusibong panayam sa kanyang bagong-gawang bahay sa Antipolo City, inilahad ni Pokwang ang lahat ng kanyang saloobin sa napipintong pagbabalik sa noontime show.

“Pinaka-excited akong makasama ulit yung ating mga kapamilya viewers, makatrabaho ulit ang mga staff kasi na-miss ko rin sila,” ani Pokwang. Kaya naman lubos ding pinaghahandaan ng buong production team ng Happy Yipee Yehey!  ang muling pag-arangkada ni Pokwang sa noontime block. “Buhos ang effort ng mga staff para mapabongga yung pagbabalik. Bakit ganito ka-bongga? Pero alam ko naman na hindi nila ito ginagawa para sa akin kung hindi para sa lahat ng mga Kapamilya,” dagdag pa ni Pokwang.

Ang lalo pang nagpapa-excite kay Pokwang ay ang first time niyang makakatrabaho sa noontime show tulad nina John Estrada at Bianca Manalo. Bagaman may nararamdamang kaba, kumpiyansa pa rin si Pokwang na na click na click sila ng mga bagong makakatambal. Kamakailan din ay nag-team building ang buong pwersa ng Happy Yipee Yehey!, kasama si Pokwang, sa Subic.

“Pinag-usapan namin kung paano mapapa-shine yung bawat isa. Di pwedeng isa lang ang mag-shine, para gumanda yung kalalabasan nung show,” sagot ni Pokwang nang tanungin kung anong mga kaganapan sa nasabing team building.

Lalo ding nakilala ni Pokwang ang pagkatao ng ilan sa kanyang mga co-host. “Si Kuya John may kakulitan talaga. Pero masaya talaga siyang kasama, mabilis mag-isip. Si Bianca naman, talagang beauty queen, kikay na kikay, talagang magkakasundo kami,” aniya.

Samantala, pinasilip ni Pokwang ang kanyang ala-mansyon na bahay. Ilan sa pinagmamalaki ng komedyana ay ang sariling kwarto ng kanyang yumaong anak, glamorosong walk-in closet at Jacuzzi sa roofdeck. Target ni Pokwang na magpa-house warming party ngayong buwan. Ilan sa mga nais niyang imbitahan ay ang kaibigang Star Magic artists at siyempre, ang matalik niyang kaibigan na si Queen Of All Media Kris Aquino.

Abangan ang grand comeback ni Pokwang lalo’t kasama na niya ang buong pwersa ng Happy Yipee Yehey!  simula ngayong Sabado. Ano kayang mga bagong pakulo at gimik ang handog ng komedyana? Talaga namang walang patid na saya ang hatid ng pinakabagong kabarkada sa tanghali, kasama sina Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Pokwang, at sina Bianca Manalo, Melai Cantiveros, John Pratts, Bentong at Matteo Guidicelli. 

Huwag palampasin ang Happy Yipee Yehey na araw-araw nang mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!


Courtesy: ABS-CBN.com