THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, May 17, 2011

Senador Miriam Santiago to Manny Pacquiao: Huwag kang Makielam sa RH Bill!


Dumalo sa pulong ng mga obispo si Sarangani Representative Manny Pacquiao para makiisa sa pagkontra nila sa isinusulong na pagsasabatas ng reproductive health bill.

Nanawagan din siya sa fans na magkaisa kontra sa RH bill.

Sabi ni Pacquiao, hindi raw ito ang sagot sa problema ng kahirapan kung hindi ang pagsugpo sa korapsyon.

"Ang utos ng Panginoon eh 'Go out to the world and multiply.' Ang sabi Niya, 'Magpakarami kayo.' Hindi Niya sinabing 2 lang ang anak, 3 o isa," ani Pacquiao.

Tingin naman ni Senador Miriam Santiago, hindi dapat makialam si Pacquiao sa debate sa RH bill.

"Huwag mo nang pasukan ito. Kaming mga senador, hindi kami pumapasok sa pagbo-boxing pero kung gusto mo eh puwede rin," sabi ni Santiago.

Kaipokritohan din diumano ang ginagawa ni Pacquiao lalo't una nang inamin ng asawa niyang si Jinkee na gumagamit siya ng pills.

"There is an element of hypocrisy here because at first, Pacquiao's wife was quoted as saying that she uses the pill... In that case, apparently, Pacquiao would have to use violence on his wife because she is not living in conformity with his beliefs," sabi ni Santiago.

Hindi naman ito diretsong sinagot ni Pacquiao.

"Ang mga tao ngayon kung gumagamit ng condom, pills o kung ano man... Bakit natin ipapasa 'yong RH bill?" patanong na sabi ng boksingero.

Para sa mga obispo, malaking bagay ang pakikiisa ni Pacman sa pagtutol sa RH bill dahil marami raw ang nakikinig sa kanya.

Courtesy: ABS-CBNnewsdotcom