THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, June 20, 2011

Alfie Lorenzo sinisiraan ang Star Magic!


Photo credit: ABS-CBN.com

SURPRISED? Nagulat ba kayo? War freak ang Star Magic? Ewan ko kung anong masasabi ninyo dito sa ilalahad kong they come in threes again!

Kung si Jo-Ann Maglipon ng YES maga­zine ay tinakot ng Star Magic head noon about Claudine Barretto re-Rico Yan, at si Ricky F. Lo ay banned sa mga presscon ng Star Magic talents, at si Lolit Solis ay sinampahan ng libel gawa nina ­Piolo Pascual at Sam Milby – puwes, ako, hindi puwedeng takutin ng sinuman dahil matagal ko nang isini­sigaw from the start of my writing career na,

“Kakampi ko ang ­Diyos!”

Matagal na akong banned sa mga presscon ng Star Magic. I was no longer invited with the other reporters na binabayaran nila ng P1,500 (lang!) para magsulat ng maganda tungkol sa mga non-talent nila.


Akala ng Star Magic ay masusukol nila at liliit ang mundo ng panulat ko without their non-talents, eh nakakausap ko naman kung saan-saan ang mga non-talent na ‘yan.

Binawalan ang mga non-talent na ‘yan na ka­usapin ako kasabay ang pangako na hindi na sila bibigyan ng projects pag sumuway sa utos ng pa­nginoon nila!

Kabilang sa mga nabawalan na sina Joem Bascon, JM de Guzman, Ejay Falcon, Martin del Rosario, Enrique Gil at AJ Perez!

Pati sina Mara at Clara, nasabihan, kaya nang malamang nanduon ako sa 14th floor ng ELJ Bldg. where the presscon for Mara and Clara was being held ay nataranta ang subordinates in driving me away dahil order daw nu’ng bossing ng Star Magic!

Ay, sayang!

Kikita na sana ako ng one-five na pang-grocery ko for one month!

Heto tuloy at nanga­ngalumata na ako sa gutom! Dapat siguro, magma­kaawa na ako kay Babalu, ‘noh?!

Hahahaha!!!!

By: Alfie Lorenzo

Courtesy: Abante Tonite Showbiz