THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, June 15, 2011

Claudine Barretto babalik sa ABS-CBN?


SIKSIK talaga ng bagong tsika ang Paparazzi, tulad noong nakaraang Linggo, June 12 and Independence Day natin, kung saan may isyu sila tungkol kay Claudine Barretto.

Umano, ang misis ni Raymart Santiago ang cause of delay ng bagong soap na gagawin ng GMA7, na tampok si Claudine. Nag-react daw kasi si Claudine nu’ng mabasa ang script ng gagawing serye. Feeling daw niya, supporting role lang siya kaya pinapa-revise daw nito ang script.

Hindi lang ito, ibinalita pa sa Paparazzi na may interview ang actress sa Star Studio magazine at doon, marami raw itong ire-reveal.

Teka, hindi ba’t ang Star Studio ay magazine ng ABS-CBN? Ibig bang sabihin nito, totoong magbabalik si Claudine sa dati niyang home studio?

May lumalabas din kasing tsika na kaya raw dine-delay ng actress ang teleserye sa GMA7 ay dahil parang gusto na raw niyang maging Kapamilya ulit?

Source: Journal Philippines