THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, June 17, 2011

Eugene Domingo to start shooting 'Kimmy Dora Part 2' by this July-August!



Isang magandang upuan sa kanyang dining table ang regalong hiniling ni Eugene Domingo sa mga kaibigang producers ng Cinemalaya movie niya.

Five shooting days ang inilaan ng komedyante para sa Cinemalaya, pero wala siyang talent fee na hiningi.

“Mga kaibigan ko kasi ang producers. Minsan nga, kapag kinakapos, may ibang nag-i-invest din. Kaya hindi ako nagpapabayad. Hindi naman kasi problema sa akin dahil gusto ko naman ‘yung project.” katuwiran ni Uge.

Bukod sa indie film, natapos na rin ni Uge ang Star Cinema movie niya.

Sa July or August sisi-mulan na niya ang part 2 ng Kimmy Dora.

At sa October, gusto niya namang magrelaks sa London para dalawin doon ang kaibigang si Meryll Soriano.

Pero kung may pelikulang gustung-gustong gawin ni Uge, ito ay ang Shake Rattle & Roll.

Source: Journaldotcomdotph