THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, June 24, 2011

Richard Gutierrez binawasan ng sweldo; Annabelle Rama galit na galit sa Management!



Nu’ng presscon for Temptation Island sa Imperial Palace. Bumaba mula sa 4th floor office niya si Annabelle Rama to explain to us what her fury is all about.

“Binawasan ang suweldo ni Richard. Alam mo na kung sino! Ang laki-laki ng kulang sa suweldo ni Richard, more than one million thirty thousand pesos ang binawas.


“Saan ka nakakita ng may guarantee ang kontrata ni Richard, tapos pag absent daw o wala sa taping si Richard, ang anak ko pa ang nagmumulta! Nagkasakit siya, ‘di nagteyping, aba multahan ba naman ng 280 thousand!


“Di ba, dapat pag ‘di nagteyping may bayad din dahil sa guarantee sa kontrata? Papaano kung ‘di pinagteyping ang anak ko at lagi na lang ililista na absent siya, eh ‘di bayad nang bayad ng multa si Richard?

“Anong gagawin ng bruhang ‘yun pag ‘di na sumipot sa taping si Richard, kaya ba niyang magsuot ng costume ni Captain Barbell, manipa at manuntok? Ngayon lang yata ako nakakita ng hindi nagteyping, sa halip na bayaran eh siya pang magmumulta?” litanya ni Bisaya sa harap namin ni Mother Lily. “What else is new?” ani Madera naman.

Well, sinabi ko kay Bisaya na ako man ay nawalan din ng sahod dahil itinigil na ang mula raw sa shows ni Juday na ‘di pa man nagsisimula ay nagbayad na raw till 2013. Hindi ba magtataas ka na lang ng kilay dahil magtataka ka kung papaano?


Source: Abante Tonite