THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Saturday, June 11, 2011

Star Magic pinagbati sina Angelica Panganiban at Erich Gonzales! Yehey!


Dapat lang talaga na pumagitna na ang mga bossing kapag nag-aaway-away na ang mga artista nila. Minsan kasi sa tindi ng galit ay nakakalimutan ng maraming artista na mga public figures sila na ginagaya ng marami kaya dapat mag-set ng good example.

Ang may samaan ng loob na sina Angelica Pa­nganiban at Erich Gonzales na nag-ugat sa pagsama ng huli sa bahay ni Derek Ramsay na boyfriend ni Angel bilang pagbibigay sa kahilingan ng ina nito na makita siya ng personal ay napagbati ng Star Magic matapos ang isang closed-door meeting with one of their bosses.

Bago ito ay kalat na kalat ang balitang iringan ng dalawang aktres dahil diumano sa pag-entra ni Erich sa relasyon nina Derek at Angelica. Pati si Kim Chiu na siyang pinagbibintangang nagpaabot kay Ange­lica ng balita ay pinagsabihan na rin na huwag nang palawigin ang isyu.

Sana nga bati-bati na sila. Tutal magka-Kapa­milya naman sila, mahirap ’yung may dinadalang sama ng loob sa dibdib, paano sila makapag-perform ng maayos kung ganung may away sila? Good job, Star Magic!

Source: PhilStar