Tweet
Sa umpisa pa lang naluluha na si Jacklyn sa pagsagot sa isyu ng pagbubuntis ng anak niyang si Andi Eigenmann nang sadyain namin siya kanina sa taping ng “Maalaala Mo Kaya” sa Antipolo.
“I just want to tell everyone: Yes it's true, she's pregnant. Hindi madali pero kailangan kong tanggapin dahil anak ko siya at wala nang tutulong sa kanya kundi kanyang pamilya,” sabi ni Jose.
Bagamat napakasakit, nakatulong din ang pananampalataya ni Jacklyn.
"Ang unang pinuntahan ko simbahan, nanalangin ako, binigay ko sa Kanya. Sinabi ko, 'Ama, di ko kaya. Kung ano man ang desisyon mo, tatanggapin ko,'" sabi ni Jacklyn.
Eksaktong 18 weeks 2 days nang buntis si Andi na kaka-21 anyos lang nu'ng June 25.
Ayaw nang pag-usapan ni Jacklyn kung sino ang ama ng bata.
“It's with her first boyfriend, wala na sila n'on. Iniwan siya nu'ng mabuntis siya. I don't want to talk about him anymore. She decided to keep the baby na, na naging proud naman ako sa anak ko. Mahal naman iyan e,” sabi ni Jose.
Kasabay nito'y humingi ng pang-unawa si Jacklyn sa lahat.
“May pagkakamaling nagawa ang anak ko. Hindi ko sinasabing tama. Huwag na lang husgahan, bigyan na lang siya ng pagkakataon tutal buhay naman niya iyan,” sabi ni Jose.
Tatapusin lang ni Andi ang “Minsan Lang Kita Iibigin.”
Sa huli, umaasa si Jacklyn na mabibigyan ng second chance ang magandang career ni Andi.
Courtesy: ABS-CBNNEWSdotcom
OUR MESSAGE: We still love you Andi. We will always be here to support you from up and down. I am proud of you for keeping the baby. Hope you will a have a normal pregnancy. Just to everyone: Please stop criticizing or judging Andi and others involved. Let's just respect them and each others privacy. They are still human being and still need their own privacy. Instead of hating, let's just love and be happy for Andi. Maybe, having a baby in early age is tough but it's a blessing too. Love and Peace. :) <3