THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, July 26, 2011

Vilma Santos confirms Star Cinema movie with Kim Chiu!




Kinumpirama ni Batangas Governor Vilma Santos na hindi na ang Megastar Sharon Cuneta ang makakasama niya sa susunod na pelikulang gagawin niya under Star Cinema kundi ang young actress na si Kim Chui.

"May line-up movie rin yatang gagawin si Shawie na drama. Yung sa amin ni Direk Chito [Rono] with Kim Chiu, suspense horror ito," sabi ni Ate Vi.

Supposedly, second week of July ay magsu-shooting na si Ate Vi for the Star Cinema movie. Pero dahil sa may konting aberya at kailangang harapin ang problema sa Batangas, lalung-lalo na yung "fish kill" kaya naurong ito.

Hopefully last week of August ay mahaharap na ng actress-politician ang shooting ng pelikula niya.

Dagdag pa ni Ate Vi, inaayos pa nang husto ang script ng movie nila ni Kim.

Kakaiba rin daw pareho ang roles nila ay tiniyak niyang magugustuhan ito ng mga manonood, lalung-lalo na ang Vilmanians.

Source: PEPdotPH