THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, August 12, 2009

Richard Gutierrez, WALA ng Project sa Siyete??

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com

HOW TRUE ANG tsikang wala na raw project na naka-line up sa guwapong si Richard Guttierez sa channel 7 after ng Zorro nito na kakatapos lang at pinalitan ng Darna? Wala pa raw nailatag na kasunod na gagawing proyekto ni Richard sa Siyete. Ang nakakaloka, apektado raw ang actor sa hidwaan ng nanay nitong si Annabelle Rama at ng executive ng GMA na si Wilma Galvante. Hindi na raw bibigyan ng proyekto ang anak nina Eddie at Annabelle. Ang mananatili na lang daw sa ngayon ay ang kakambal nitong si Raymond Gutierrez na napapanood sa Showbiz Central at kung hindi ako nagkakamali ay meron ding show sa QTV. Naku, ano kaya ang masasabi nina Annabelle at Richard sa tsikang ito?